Reason to watch the Romeo and Juliet The Musical by Kids Acts Phils

"O Romeo, Romeo wherefore art thou Romeo? Deny thy father and refuse thy name; or, if thou wilt not, be but sworn my love, and I'll no longer be a Capulet." Ilan lang yan sa mga masasabi kung marahil ay tumatak na linya sa isang stage musical play na Romeo and Juliet ng Kids Acts Phils.

Sinu nga ba sa atin ang di nakakaalam ng isang madrama, matrahedya  at masalimuot na kwento ng Romeo and Juliet ni William Shakespeare at siguro naman ako na inaral natin ito sa ating highschool, hindi ba?

Marahil isa ang Romeo and Juliet sa mga masasabi kung naging matagumpay na kwento sa libro na naging isang dula at maraming nakakarelate dahil sa ganda ng takbo ng isang istorya nito kahit na sabihin natin na may mga bagay talaga na di natin alam kung hanggang kailan nga ba ito? Isa dito ay ang ending ng istorya kung saan di alam ni Romeo na buhay naman talaga si Juliet, hindi ba?


At dahil isa ako sa mga tigahanga ni William Shakespeare hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na panoorin ang stage play na ito ngunit iba ang atake sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon na gagawing isang musical play ang Romeo and Juliet.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nga ba dapat panoorin ang Romeo and Juliet.

  • Simple lamang ang kanilang stage pero nagamit naman nila ito ng mahusay kahit nasabihin natin may mga scene na di mo makita kung sinu ang nagsasalita dahil walang spot light o mas tamang sabihin na kulang sa liwanag ang ginamit nilang ilaw dito.
  • Ang musical scoring gusto ko kung paano nila ginamit ang isang musical at alam nila kung kailan ito ipapasok dahil mas madadama mo ang isang palabas kung tama ang timpla nito.
  • Ang mga costume nila simple pero alam mo ito ang ginagamit nila mga damit.
  • Ang kuro o tigapagsalaysay ng kwento, gusto ko kung paano niya binigyan diin ang mga kwento, malinaw ang pagbigkas at di lamang yun ramdam mo ang hinagpis niya noong nagkwekwento na siya sa parteng naghihirap na ang kalooban nila Romeo at Juliet.
  • Gian Gloria bilang Juliet, isang malaking pasabog ang kanyang ipinamalas kahit na sabihin natin ngaun ko lamang siya nakita sa teatro, isa sa masasabi kung magalig siyang umarte at kumanta. May mag ilang mga nota siyang masasabi kung medyo nagflat pero kung pagbabasihan naman ang kabuuang ng kanyang performance masasabi kung malayo ang kanyang mararating.
  • Derrick Gozos bilang Romeo, boy next door look pasok na pasok sa banga ang kanyang role, gusto ko ang atake niya bilang Romeo parang natural na natural ang dating niya lalong-lalo na sa parte kung saan halos parang mabaliw siya sa kadahilaan napatay niya ang isa sa mga karibal ng kanilang kaharian.
  • Ces Dela Cruz bilang nurse ni Juliet, di mabubuhay ang pagkatao ni Juliet kung walang itong nurse na ito o mas tamang sabihin natin siya na ang naging pangalawang ina ni Juliet dahil mas naging busy ang kanyang ina sa pamamahala ng kaharian nito.
  • Ina Salonga bilang Rosaline kung papalarin at bibigyan ng isang pagkakataon maari din siyang gumanap bilang Juliet dahil sa ganda rin ng kanyang timpre ng boses na talagang babagay sa Juliet.
  • Earle Figuracion bilang Mercutio gusto ko yung karakter na ginawa niya isang pilyo na binata, isa sa masasabi kung nagbigay ng angat sa kanya ay ang eksena niya kasama si Ces Dela Cru (nurse) kung saan mas lumabas ang husay niya sa pagkapilyo.
Narito ang ilan sa mga eksena na makikita sa Romeo and Juliet The Musical by Kids Acts Phils.









Kung ako ang tatanung kung karapat dapat bang itong panoorin at kung nabigyan ba ng hustisya ng Kids Acts Philippines ang sikat na libro ni William Shakespeare na Romeo and Juliet, isang malaking oo kahit na 

sabihin natin na nagkaroon ng kaunting kaberya sa mga ilang mga eksena ngunit kung bibigyan naman nila ito ng importansya sa aking paningin mas magiging maganda pa ito lalo.

Muli congrats sa bumubuo ng Kids Acts Philippines sa mahusay na produksyon at congrats din kay Direk Luigi Obsequio Nacario sa kanyang maayos na paglalahad ng Romeo at Juliet

Isang pasasalamat din kay Sir Toots Tolentino sa walang sawang pag-imbita sa akin sa mga dekalidad na stage play at musical sa bansa.

Theater Rating : 7.4 / 10

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa  Romeo and Juliet The Musical by Kids Acts Phils tumungo lamang sa kanilang opisyal na social media account.
Facebook : www.facebook.com/kidsactsphilippines
Follow us on Tweeter – www.twitter.com/KidsActs
Istagram: @kidsactsphilippines

Para naman sa iba pang mga larawan sa  Romeo and Juliet The Musical by Kids Acts Phils tumungo  lamang sa opisyal na fanpage ng AXL Powerhouse.

Comments

Popular Posts