Pahimakas sa Isang Ahente, ang kwento ng saya at hinagpis.
Pahimakas sa Isang Ahente o mas kilala bilang Death of a Salesman, di ko alam kung anu ang kwento nito, natuwa ako sapagkat noong imbitahan akong panoorin ito ay mapapanood ko na ng live na umakting ang ilan sa mga magagaling na beteranong mga aktor at aktress katulad na lamang nina Gina Pareno, Nanding Josef, Dido Dela Paz, Ding Navasero at kasama ang ilan sa mga magagaling din na sila Yul Servo, Ricardo Magno at JV Ibesate.
Sabi nga nila walang perpektong tao sa mundong ating ginagalawan kaya kahit anung pilit mong gawin tao ang bawat kilos mo may mali at mali ka pa rin magagawa.
Isa yan sa mga naging punto ko sa aking napanood na Pahimakas sa Isang Ahente ng Tanghalang Pilipino nitong nakaraang araw, di ko man aminin may mga ilan mga parte sa eksena na gusto kung maging emosyonal marahil dahil nakakarelate ako sa eksenang iyon.
Anu nga ba ang Pahimakas sa Isang Ahente at anu ang kwento nito?
Ang Pahimakas sa Isang Ahente ay isang klasikong pampelikula noong araw na ginawa ni Arthur Miller, isang pelikulang tumatalakay sa kwento ng pamilya, salapi at pagkatao. Na ang orihinal na titulo ay "Death of a Salesman", natutuwa ako sa tagalog version na ginamit ng Tanghalang Pilipino sapagkat di siya literal na patay ang ginamit kundi Pahimakas na ang ibigsabihin ay "huling paalam" at ngaun ko lamang din nalaman na maari din gamitin iyon kung ikaw ang gagawa ng isang maikling tula para sa iyong minamahal hindi ba?
Ang Pahimakas sa Isang Ahente ay tungkol kay Willy Loman, kung saan isa siyang ahente na umiikot sa bansang Amerikano upang buhayin ang kanyang pamilya. Ngunit habang tumatanda siya ay nagkaroon ng isang malaking pagbabago sapagkat mula sa pagiging isang regular na trabahador ay naging isang commision base na lamang siya, hindi sapat iyon upang buhayin niya ang kanyang pamilya. Kaya naman dahil doon nagkaroon ng iba't-ibang mga problema kasama na doon ang pagkakaroon niya ng isang kabit sa Boston, ang di magandang nakaraan sa kanyang kapatid na si Ben at ang kanyang di pagkakaunawaan sa kanyang panganay na anak na si Biff. Hanggang saan kaya kakayanin ni Willy ang mga problema na iyon at maari ito rin kaya ang dahilan kung bakit pinatay niya ang kanyang sarili?
Tara simulan na natin ang aking munting kuro-kuro sa Pahimakas sa Isang Ahente.
Nanding Josef bilang Willy Loman
Di na siguro kailangan pang ipaliwanag ang dahilan kung sasabihin kung bumagay sa kanyang ang karakter na Willy sapagkat parang natural na lamang sa kanyang ang bagay na iyon lalo't pa na isa naman talaga siyang mahusay na aktor sa entablado, isa lang naman ang masasabi kung gustong-gusto ko na eksena kung saan nagkaroon ng isang nagkaroon siya ng pag-uusap kay Howard (Aldo Vencilao) para ibalik na siya sa dati di na lang basta isang commision base, ang bawat eksena doon na naramdaman mo talaga na gusto niyang umahon sa buhay at lahat ng paraan ay kanyang gagawin.
Gina Pareno bilang Linda Loman
Si Gina Pareno bilang Linda na isang mapagmahal, maunawain na asawa at ina. Ito ang unang pagkakataon ko na napanood ko ng live sa teatro si Ms.Gina at talaga namang napakahusay niya sa kanyang ginagampanan na karakter marahil gamay na niya ang ganung mga bagay. Isa sa mga di ko malilimutang eksena niya ay ang konprotasyon sa kanyang dalawang anak na sina Biff (Yul Servo) at Happy (Ricardo Magno) grabe ang eksena na iyon parang doon ibinuhos ang lahat marahil dahil ang eksenang iyon ay sumabog na sa kanyang dibdib ang kanyang mga hinanakit sa kanyang mga anak sapagkat parang binabalewala na lamang ng kanyang mga anak ang mga paghihirap na ginagawa ng kanilang ama. Isa din sa mga masasabi kung magandang eksena ay ang huling scene kung saan namatay na si Willy at dun na siya naghiyang ng husto sapagkat kung kailan magiging maayos na ang lahat ay doon pa mawawala ang kanyang asawa.
Yul Servo bilang Biff Loman
Ito rin ang unang pagkakataon na napanood ko si Yul na umakting sa teatro kasi madalas ay sa telebisyon ko lamam siya nakikita o hindi naman kaya sa pelikula. Kaya naman medyo mataas ang expectation ko sa kanya marahil dahil masasabi kung magaling naman talaga siyang aktor.
Si Biff ay ang panganay na anak ni Willy at isang happy-go-lucky na tao sapagakat ang dami na niyang napasukan na trabaho pero di naman siya nagtatagal at paulit-ulit na lamang ang nangyayari sa kanya. Isa sa masasabi ko nagmarkang eksena na kanyang ginawa ay ang konprotasyon niya sa kanyang pamilya sapagkat gusto na niyang maging totoo silang lahat, dahil parang nabubuhay na lamang silang lahat sa isang ilusyon na ginawa ng kanilang ama na kahit anung pilit na gawin ay di na maari pa.
Masasabi ko din na di lamang akting ang ipinakita ni Yul sapagkat ay puso at hugot ito, di na ako magtataka pa kung bakit siya nagbigyan ng ilang mga parangal sa kanyang mga ginagawang mga palabas.
Ricardo Magno bilang Happy Loman
Ilang beses ko na rin nakitang umakting sa teatro si Ricardo at isa sa masasabi kung tumatak na nagawa niya sa akin ay ang stage play na DER KAUFMANN (Ang negosyante ng Venecia) kung saan gumanap siyang isang militar na umibig sa isang kanyang kapwa lalaki. Balik tayo Pahimakas sa Isang Ahente ginampanan niya ang karakter na Happy Loman, si Happy Loman ay bunsong anak ni Willy. Isa sa mga best scene dito ni Happy ay ang eksena nilang tatlo ni Willy at Biff sa bar kung saan di nila masabi-sabi sa kanilang ama ang tunay na nangyari kay Biff sapagkat malaki ang tiwala ng nilang ama kay Biff na makakapasok siya sa isang magandang kumpanya.
Ilan din sa mga markadong mga karakter dito ay sina Dido de la Paz bilang kumpadre at isang masayahing kapitbahay na talaga naman nagbigay ng balanse sa mga eksenang mabibigat. Si Ding Navasero na ginagampanan na karakter na Ben ang nakakatandang kapatid ni Willy, iba ang atake niya maganda sapagkat aninoy isa talaga siyang malaking bangungot ng nakaraan ni Willy.
Over-all masasabi kung sulit na sulit naman ang panonood ko ng Pahimakas sa Isang Ahente kahit na umabot pa ito ng mahigit kumulang na tatlong oras, ito na ata ang stage play na nanood ko ng ganon katagal pero kagaya ng nasabi ko maganda naman ang kinalabasan at maeenjoy mo naman ang palabas at di mo ramdam ang pangangalay sa upuan.
At isa pa kahit na ang kwento ay base sa American style ay iba naman ang atakeng binigay nila na talagang makakarelate ka lalo na patungkol ito sa kwentong pamilya.
Syempre di lamang sila ang mapapanood mo meron din junior cast kung saan andun ang mga resident actor ng Tanghalang Pilipino na sina Jonathan Tadioan, Racquel Pareno at Marco Viana.
Hindi magiging maganda ang Pahimakas sa Isang Ahente kung hindi rin magaling ang director nito na si Chris Millado, kaya saludo ako sa kanyang ginawang mga blocking at kung paano ang tamang batuhan ng linya. Sa creative at technical team na nagbigay ng kakaibang ambiance ng 1940 style ng entablo.
Theater Rate : 8.8 / 10
Mapapanood ang Pahimakas sa Isang Ahente sa CCP Studio Theater (Tanghalang Huseng Batute) mula Sept 26 hanggang October 19, 2014. Show are Shows are at 8 pm on Fridays and Saturdays, with 3 pm matinees on Saturdays and Sundays. Makakakuha kayo ng ticket sa TicketWorld (891-9999) o sa CCP Box Office (832-3704). Para sa iba pang mga inquiries tawagan lamang sila sa numerong 832-1125, local 1620-21.
So paano kita-kits na lang tayo sa Pahimakas sa Isang Ahente dahil sigurado akong manonood ako ulit para sa junior cast naman.

Comments
Post a Comment