More Cock to come | The Cock Review
Sa mga di nakakaalam ang Cock ang isang kwento ng sexual identity ni John kung saan mamimili siya kung kanino nga ba siya dapat sumama sa kanyang gay-lover na si M o sa babaeng natutunan na niyang mahalin na si W at mas lalo lamang siyang naguluhan ng bilang dumating sa eksena si F ang ama ni M.
Isa marahil sa mga dahilan kung bakit muling nagrerun ang cock sapagkat simple lamang ang entablo nila isang maliit na arena type, walang props, walang gamit kundi mga aktor at dialogo lamang ang ginagamit na kung tutuusin ay di madali sapagkat kailan makuha ng mga manonood ang mensahe at mga eksenang kailan nito. At nakuha nga nila ito lalo na sa husay na ipinamalas ng mga actor na gumaganap.
Kaya naman umoo ako ng binigyan ako ng imbitasyon na panoorin ulit ang COCK sapagkat gusto ko ulit makita ang ilan sa mga nakakapanabik at nakakatawang eksena dito, di lamang yun sapagkat gusto ko rin malaman kung may mga eksena bang nabago o mas binigyan ba nila ng halaga ang ilan sa mga puna sa unang COCK show na kanilang ginawa.
Tara samahan ko akong bigyan ng ilang mga kuro-kuro sa mga eksenang maselan,masaya,malungkot at ang pagbabago.
Topper Fabregas bilang John
Di ko alam kung talagang akting lamang ang kanyang ipinapakita o totoo na sapagkat may mga ilan mga eksena na anino'y nadadala ka na halimbawa na lamang dito ang eksena niya sa kanyang kasintahan na si M, kung saan nagkaroon sila ng argumento patungkol kung sino nga ba siya at anu ang patutunguhan ng kanilang relasyon na alam naman nating lahat na di bukas ang ganung klaseng relasyon. At isa din sa magandang eksena nito ay ang pagpili niya sa kanyang pagkatao, kung siya ba ay isang lalaki o isang bisexual. Kanino nga ba dapat sya sumama? Sa kanyang unang minahal o sa bago niyang mahal. Ilan lamang yan sa mga eksena na talaga magbibigay sayo ng tuliro ngunit subalit kung bibigyan mo ng importansya an huling eksena makikita mo doon na may pinili siyang pagkatao.
Niccolo Manahan bilang M
Unang pagsabog pa lamang ng eksena niya kasama si John ay nagbigay na kaagad iyon ng magandang simula sapagkat napukaw na niya ang ilang manood sa kanyang mahusay na pagganap pa lamang at makikita mo dito na sinasabi niyang wag kang bibitaw sa eksena sapagkat oras na bumitaw ka di ka na makakabalik ka sa eksena, kung makakabalik ka man sa eksena at ikaw na mismo ang maghahanap kung saan ka papasok. Iyan ang talagang tumatak sa akin habang ipinapanood ko ang kanyang magandang simula.
Isa sa mga masasabi kung mahusay na eksena niya na ang pagkakaroon niya ng argumento sa kanilang lahat kung saan andun ang kanyang ama na si F, ang babaeng karibal niya na si W at kanyang mahal na si John. isang simpleng dinner lamang dapat ang magiging eksena ngunit dahil nga may mga bagay talaga na di mapagkasunduan ay di nagyari ang dapat magyari at isa pa palang eksena kung saan nagkaroon sila ng lovemaking ni John, mahusay ang kanyang pagkakagawa ng eksenang iyon sapagkat di siya malaswang tignan bagkus ay mas lalo mo pa itong kakapitan.
Jenny Jamora bilang W
Ang babaeng mamahalin ni John sa maling lugar at pagkakataon, na nagbigay ng isang malaking pagkalito sa katauhan ni John.
Di mo masasabing so-so lamang ang akting na ipinakita niya kasama si John sapagkat magugulat ka sa bawat eksenang ginawa niya at isa na marahil sa mga eksenang ito ang pagkakaroon niya ng relasyon ni John na nagsimula lamang sa isang gabi o mas tamang sabihin na one night stand. Na ang eksenang di mo mawari kung matatawa ka o masasabik sapagkat ang bawat linyang kanilang binibitawan ni John ay sobrang ganda aninoy parang unang karanasan mo lamang sa paggawa ng ganung bagay.
At isa rin sa tumatak na eksenang ginawa niya ay ang argumento niya sa ama ni M na si F sapagkat talaga naman ilalaban niya ang pagmamahalan niya kay John sa abot ng kanyang makakaya.
Audie Gemora bilang F
F ang ama ni M, kahit sinung ama siguro ay gagawin niya ang lahat unang maging masaya lamang ito. Iyang ang ipinakitang karakter ni F na kahit alam naman natin na walang perpektong pagsasama ay talagang ginawa niya lalo't pa ngaun na nahihirapan na ang kanyang anak sa kanyang buhay pag-ibig.
Isa sa mga eksenang pumukaw sa aking pansin ay ang pagkakaroon ng argumento niya kay W na kung saan naging matigas siya at sinasabi niyang wala karapat si W na makisali pa lalo't siya ang naging dahilan kung bakit mas naging magulo ang sitwasyon nila John at M.
Masasabi kung mas maganda ang Cock show dahil mas intimate ang mga eksena lalong-lalo na sa mga ilang eksenang mga kissing scene sina John at M, John at W, mas naging malinaw ang ilan mga eksena, mas binigyan ng tamang blocking ng mga karakter at di lamang yun mas naging klaro na ang boses o mas tamang sabihin na buo na talaga ang kumpiyansya nila sa bawat eksena.
Kaya naman kudos kay Direk Rem Zamora sa husay at linis ng kanyang pagkakagawa ng Cock.
Ika nga ng kaibigan ko dapat damhin mo ang bawat eksena, mga eksenang maari rin magpabago ng pananaw mo sa mundo ng babae at lalaki.
Kaya dapat ihanda mo ang iyong sarili sa mga bawat eksena sapagkat di mo makakabitaw pa.
Theater Rate : 7.7 / 10
Mapapanood ang rerun ng Cock sa Oct 3,4 and 5 2014, whiteSpace (2314 Chino Roces Ave.Extension [formerly Pasong Tamo Extension), Makati] kaya wag na wag mo itong papalagpasin kundi naku sayang sapagkat isa marahil ito sa magaganda teater show ngaun.
Para sa ticket tumawag lamang sa TicketWorld sa teleponong 891-9999 or Red Turnip Theater - redturniptheater@gmail.com.
Iba pang larawan makikita sa official fanpage ng AXL Powerhouse.
Comments
Post a Comment