Reason to watch The Wizard of Oz by Kids Acts Philippines

Sinu nga ba ang di nakakakilala sa mga karakter nila Dorothy, Scarecrow, Tin Man at Lion, sila lang naman ang sikat na karakter na mababasa natin sa isang kwentong pambata na ang pamagat ay The Wizard of Oz.

Siguro naman di lingit sa alin kaalaman kung anu nga ba ang kwento ng Wizard of Oz sa atin sapagkat lumaki tayo sa ganitong mga kwento noong mga bata pa tayo hindi ba?

Anu nga ba ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang imbitasyon upang panoorin ang The Wizard of Oz by Kids Acts Philipines? Simple lamang ang dahilan ko an balikan ang aking pagkabata sa mga ilang eksena maari masasabi kung sana naging ganun ako.


Sabi nga sa kwento ng The Wizard of Oz may mga bagay talaga sa mundo ating ginagalawan na hindi natin pwedeng gawin pero kung gagawa tayo ng paraan at alam natin na ang paraan na ito ay nakakabuti sa nakararami bakit hindi natin gawin hindi ba?

Isa din sa matutunan natin dito sa kwento na ito na ang lahat ng bagay ay kaya natin gawin basta sama-sama tayo. Kahit anung hirap pa yan dahil hanggang sa huli dahil may matatakbuhan naman tayo.


Isa pa ulit ay bawat bagay na ginawa mo sa isang tao ay ma kapalit ito, kungbaga para siyang karma kung saan kung anu ang iyong inani sa iyong kapwa ay siya din iyong aanihin sa tamang panahon at pagkakataon.

Kaya tuwang-tuwa ako panoorin ito dahil ang sarap balikan ang mga nakaraan kung saan iniisip mo na ang lahat ng bagay ay masaya, walang lungkot o hinagpis sa bagay na iyong ginagawa.


Marahil di ito katuld ng ibang stage play na napanood ko sapagkat dito ramdam mo ang pagkabata mo, dahil para ka lamang nanood ng isang recital ng mga estudyante.


Pero all-in-all pasado naman ang kanilang ginawa lalong-lalo na yung gumanap na Dorothy dahil klaro at malinis ang bawat salitang kanyang binibitawan, kay Black Witch din isang palakpak dahil sa galing at patuloy niyang pagtawa na animo'y nakakakilabot.

Theater Rate : 6.9 / 10

Muli maraming salamat sa Kids Acts Philipines at kay Sit Toots Tolentino sa walang sayang pag-imbita para sa mga stage play show.

Mabuhay ang Teatrong Pilipino.

Para sa iba pang mga larawan ng The Wizard of Oz by Kids Acts Philippines tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPPI sa facebook.

Comments

Popular Posts