May iyayabang ba ang Yabang Pinoy?

Sabi nga nila ang isang Pinoy daw mas pinipili pa ang isang bagay na mas mahal at mas kilala sapagkat iyon ang naayon at mas gusto ng maraming tao pero naisip mo ba ba kung bakit nga ba gusto ito ng pinoy kumpara sa ibang bagay?

Para sa akin bilang isang ordinaryong Pilipino siguro tamang sabihin na iba pa rin ang dating kung ang suot o gamit mo ay galing Tate o sa ibang bansa, marahil dala ito ng kolonyanismo nating mga Pilipino. Pero di ba mas masarap isipin at ipagsigawan sa ibang lahi na Pinoy ako at ito ang gawa ko mas matibay at maasahan sa lahat.

Pero nga ng isang kaibigan ko mula sa isang kilalang unibersidad, anung silbi ng magiging Pinoy mo kung ang simpleng kasaysayan at pagsuporta sa ibang bagay para sa bayan ay di mo magawa at mas pinilipi mo pa ang gawa ng banyaga. Tama nga naman siya sapagkat paano nga ba makikilala ng husto ang isang Pinoy syempre di lamang sa puro salita dapat mas gawa din ito, hindi ba?

Ako aaminin ko may mga ilang gamit ako na mula sa banyaga pero mas binibigyan ko ng halaga ang gawang Pinoy, bakit hindi? Sino pa ba ang susuporta sa kanila syempre tayo din hindi ba? Tsaka mas nakakasiguro ka na ang gawang Pinoy ay matibay at pude talagang ipagmalaki kumpara sa ibang produktong banyaga.

Kaya naman noong naimbitahan ako para sa isang preview ng isang organisasyon ay umoo kaagad ako, hindi dahil kaibigan ko ang nagimbita sa akin kunghindi gusto kung balikan at muling makita ang paglago ng organisasyon na iyon. Anu ba pa nga ba ang tinutukoy ko walang iba kunghindi ang Yabang Pinoy.

Ang Yabang Pinoy ang isang matatag na organisasyon na naglalayong magbigay ng isang maaasahan at mas makikilalang mga produktong gawang Pinoy, isa sa mga naging pioneer sa kanila ang TEAM MANILA kung saan nagkaroon na ito ng sariling pangalan sa industry ng RTW.

Bago ko makalimutan mayroon isang malaking pagtitipon ang mga produktong Pinoy ngaun biyernes hanggang Domingo, kaya naman sumugod na sa World Trade Center mula 11 ng umaga hanggang 9 ng gabi.

Nartito ang ilan sa mga produktong Pinoy na makikita sa Global Pinoy Bazaar.

Isa sa mga work of arts na gawa ng isang magaling na artist na si Kish ng ARTWHEEL.

Isa sa mga maiinom at natural juice.

Ito panalo to eh, personalize tsokolate cover.

Isa sa mga nagustuhang kung tshirt design,

Tamang-tama para sa isang editorial shoot na damit.

Isa sa mga talagang produktong pinoy, ang PINA.

Si Denver, isa  sa mga artist na super interesting ang mga gawa.

Isa sa mga home grown product ng Yabang Pinoy.

Si Andrea, isa sa mga owner ng Agos Pilipinas Design Inc,

Kaya naman anu pa hinihintay ninyo, suportahan natin ang sariling atin bago ang iba, tama di ba?

So paano kita-kits tayo sa Global Pinoy Bazaar, World Trade Center bukas hanggang sa domingo ito.

Ika nga nila Yabang Pinoy, may ipagpapayabang talaga.

Para sa iba pang mga larawan, pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXL Powerhouse.

Comments

Post a Comment

Popular Posts