Barber's Tales (Film) | Movie Review
Dear Honorable Eugene Domingo,
Yes, you are honorable. Noong huli kitang naka-chat, ang sabi mo ay pagod ka nang magbenta ng pelikula sa mga manonood. Pero hayop ang kalidad ng pelikula ninyo ni Sir Jun Robles Lana. Hayop ang Barber's Tale!
Walang halong biro pero isa ito sa pinakamahusay na pelikulang napanood ko simula nang lumabas sa sinapupunan ng nanay ko.
Dapat isama sa pinakamahuhusay na pelikula ng Urian Anthology 2010-2014 ang pelikulang walang takot na ikuwento ang lagim ng rehimeng Marcos sa maagan at kakaibang atake.
Para sa akin, mahusay ang pelikula dahil pagkatapos kong mapanood ito, ginambala nito ang sarili kong kamalayan.
Bakit maganda ang pelikula?
1. Dahil sa unang pagkakataon, nagamit ang kuwento ng (mga) barbero bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan na kahit saang pelikula ay hindi ko pa nakita. Bagamat madalas na akong makakita ng kasaysayan mula sa mata ng mga bata, iba itong Barber's Tale.
2. Dahil (kahit pa ginambala na ko ng ilang pelikula ang tungkol sa kung sino ang tunay na kalaban ng bayang ito, kung ang mga rebeldeng NPA nga ba o ang pamahalaaan), iba ang suntok na ibinigay nitong palaisipan kung sino nga ba.
3. Dahil naitanong ko sa sarili ko, kung nabuhay nga ba ako noong Marcos Era? Baka naging rebelde na rin ako. Ibig sabihin, itinulak ako ng pelikula sa social justice kahit pa bangin ang malamang na kalagyan ko.
4. Dahil maganda ang disenyo ng produksyon, ilaw, direksyon, pag-arte, editing, iskrip, tunog, casting, pag-direhe at maraming semiotics.
5. Dahil mahusay pa sa pinakamahusay si Honorable Eugene Domingo rito. Kasama pa ang ilang mga artista tulad ni Eddie Garcia, kuya Jesus Mendoza, Sue Prado, Sharmaine Buencamino, Gladys Reyes, isang espesyal na artista, at marami pang iba.
6. Dahil ipapakita ng pelikula kung paanong ang barberya at barbero ay hindi lamang naging gamot sa kaguwapuhan at kaayusan ng tubo ng buhok ng mga kalalakihan kundi naging bahagi rin ng apoy ng tunggalian, naging tahanan ng mga nag-aapoy, at libingan ng iba't ibang uri ng pagkasawi.
7. Dahil inilarawan ng pelikula ang kapangyarihan ng mga kababaihan para baguhin ang kasaysayan.
8. Dahil ipinakita ng pelikula na may wika ang mga buhok na kalayaan lang ang makakaunawa; na huwag niyong balewalain ang kapangyarihan ng istilo ng buhok.
9. Dahil para ito sa mga hanggang ngayon ay naniniwalang pinakamahusay na pangulo ng bansang ito ay si FM.
10. Dahil ibinigay ng pelikula ang larawan ng rehimeng Marcos at ang ingay ng pelikula ay ito: kahit ang tahimik ay nag-iingay rin sa pagtagal ng panahon kapag ang sugat ay ramdam na nila't kapag ang sakit ay halos patayin na sila. Walang silbi ang galit, rebolusyon, at laban na hindi nakaugat sa kasaysayan at sistema. Lahat ng makasariling reklamo natin ay hindi lamang ng sarili natin kundi maging ng buong bayan. Kaya ang digmaan, sabi sa pelikula, ay hihilumin lamang ng digmaan.
Kung may pelikulang ginawa sa panahong ito na dapat mabuhay, isa ito.
"Lahat tayo ay kilala si Marilou pero pinipilit nating di kilalanin."
Mula sa panulat ni Jerome Papa.
*****
Patungkol kay Jerome Papa
Si Jerome Papa ay opisyal na membro ng Axl Powerhouse Group, isang manunulat sa mundo ng blog at nagtratrabaho sa isang panggobyernong opisina.

Comments
Post a Comment