10 Reason Why You Need To Watch Pinocchio of Repertory Philippines


Sabi nga nila di ka nagdaan sa pagiging bata kung hindi mo nabasa o napanood man lang ang sikat na sikat na karakter ng disney na si Pinocchio. Alam naman nating lahat ang kwento nito kung saan mula sa magiging isang batang kahoy na lalaki ay naging isang tunay na tao sa tulong ng isang blue fairy nito. At di lamang yun sapagkat marami ka ding matutunan sa kwento ng Pinocchio hindi ba?

Kaya naman di ako nagdalawang-isip pa na tanggapin ang imbitasyon na panoorin ang Pinocchio ng Repertory Philippines sapagkat gusto kung maalaman kung anung rendition ang gagawin nila dito at kung paano nila gagawan ng paraan ang paghaba ng ilong ni Pinocchio dahil sa magiging naugty nito, hindi ba?



Tara samahan mo akung bigyan ng 10 rason kung bakit nga ba dapat panoorin ang Pinocchio ng Repertory Philippines.


1. Hindi dahil kwentong pambata ito ay sa mga bata na lamang nakafocus ang atensyon ng  Pinocchio, syempre hindi sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon nasa kakapanood ko sa teatro na mayroon audience participation at talaga naman nagbigay ng saya sa madlang pipol.


2. Opening scene pa lamang ng Pinocchio talagang ang ganda sapagkat mayroon kanta na sasabayan mo at talaga mapapaLSS ka hanggang sa iyong pag-uwi.


3. Ang set design na hindi mo akalain na magiging ganun lalo na sa umpisa ng eksena kung saan ipinapakilala silang lahat.


4. Ang custome design na nagbigay lalo ng buhay sapagkat ramdam mo talaga na andun ka rin sa kwento at makulay ito na gustong-gusto ng mga bata.


5. Ang nakakatawang song and dance number ni Pinocchio kasama ng kanyang mga kaibigan.


6. Ang magical blue fairy na mas lalong nagbigay ng saya at kulay kay Pinocchio at kung saan may isang eksena na nagpaWOW sa lahat ng madlang pipol ang paghaba ng ilong nito.


7. Ang magulo ngunit makulay na mundo ng Toy World kung saan ramdam mo na nasa ToyWorld ka din sapagkat ambiance, music, custome design at higit sa lahat ang makakaaliw na moving toys.


8. Syempre ang mga moral lesson ng Pinocchio, isa na dun ang pag-aaral ng mabuti sapagkat kungdi ka mag-aaral ng mabuti ay maari kang maging isang donkey.


9. Ang huling eksena kung saan naging tao na si Pinocchio mula sa kanyang pagiging isang kahoy.


10. At ang huli pagkatapos mong panoorin ito masasabi mong masarap talaga maging bata at mas mamahalin mo ang inyong magulang.

Ayan ang aking 10 rason kung bakit nga ba dapat nanoorin ang Pinocchio ng Repertory Philippines.

Mapapanood na ang Pinocchio ng live sa darating na Agosto 16 2014 hanggang sa Disyembre

Para sa iba pang impormasyon patungkol sa Pinocchio bisitahin lamang ang opisyal na social media account ng Repertory Philippines

Facebook: www.facebook.com/repertoryphilippines
Twitter: www.twitter.com/repphils
Instagram: www.instagram.com/repphils
YouTube: www.youtube.com/repphils

Tickets are also available through Ticketworld at 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph

So paano kita-kits na lamang tayo sa darating na stage run ng Pinocchio!

Para sa iba pang mga larawan na naganap sa Pinocchio media preview maari lamang kayong pumunta sa opisyal na fanpage ng AXL Powerhouse.

Comments

  1. gusto ko makakanood ng mga ganyan lalo na musicals. sad nga lang andalang magkaroon dito sa doha. sa pinas naman hindi ko inaabutan mga runs nila haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts