10 Reason Why you need to visit Gardenia Bread Plant

Sabi nga ng mga kasamahan ko noong pupunta kami sa Gardenia Plant parang throwback lang ang peg sapagkat parang bumabalik ang pagkabata mo kung saan naranasan mo ang tinatawag nilang educational trip, kung saan pupunta kayo sa iba't-ibang pagawaan katulad ng coca-cola, yakult o ng crayola. Isa sa mga reason kung bakit anu napapayag na sumama sa Gardenia Plant Tour ay upang maexperience ko ulit ang isa sa mga gusto ko noong bata pa ako ang pumunta ulit sa mga ganitong lugar.

At dahil nga dito nagkaroon ako ng ideya bakit nga ba tayo pupunta sa Gardenia Plant anung meron sa lugar na ito na wala sa iba.

Narito ang aking 10 rason kung bakit mo kailangan pumunta sa Gardenia Plant.

1. Ang Gardenia Plant ay isa sa mga malaking and most advanced fully automated large-scale bread manufacturing plant sa ating bansa ngaun na patatagpuan sa Laguna International Industrial Park o mas kilala nilang LIIP.

2. Mayroon silang Giant Silo kung saan andun ang mga raw materials sa paggawa ng isang masarap at malinamnam na gardenia bread.

3. Ang ipinagmamalaking High-Tech Automation production kung saan mismo ang makina na ng ang gagawa ng gardenia bread mula sa mixing, proofing, baking, slicing at pati na rin sa pagpack ng tinapay, kaya naman iilan lamang ang tao sa loob ng production sapagkat ang kanilang gagawin ay magsusupervise na lamang sa mga tinapay o pagcheck na lamang.

4. Fresh from Oven, oo literal na fresh sapagkat pagkatapos itong ipack ay didiretso na mismo ito sa conveyor kung saan hihahatid ito sa kanilang distibutor.

5. Twin Spiral Cooling Tower, isa yan sa mga main attraction sa loob ng Gardenia Bread Plant sapagkat dito mo makikita talaga kung gaano kadami ang nagagawa ng Gardenia Bread Plant sa loob lamang ng isang araw at nakakagawa sila ng 650,000 na tinapay sa isang araw lamang.

6. Bago magsimula ang tour mayroon kayong papanoorin kung saan ipapakita kung paano nga ba nagsimula ang Gardenia Philippines at kung paano ito naging isang matagumpay na company sa Pilipinas.

7. Experience Gardenia with a twist, isa sa mapapanood ninyo ay ang paggawa ng ibang putahe ng tinapay kung saan di lamang ordinaryong sandwich sapagkat mapapanood mo din dito ang ilan sa mga top yummy bread treats ng Gardenia, katulad na lamang ng Tuna Maki Sandwich, Fruity Veggie Sandwich, Party Muffins, Morconito, Cheezy Chicken Bread Cups at ang naging paborito ko sa lahat ang Frozen Delights.

8. Libreng sample, sinu nga naman ba ang ayaw ng libre syempre lahat tayo gusto yan kaya naman bago kayo umuwi ay makakatangap kayo ng isang sample bread mula mismo sa Gardenia.

9. Syempre higit sa lahat libre lang ang Gardenia Bread Tour walang bayad, ang gagawin mo lamang ay bisitahin ang kanilang webiste na www.gardenia.com.ph o kaya naman ay tawagan sila sa (02) 889-8890, (049) 539-1136 to 40 loc 258, bukas ang libreng tour mula Linggo hanggang Biyernes, 7 ng umaga hanggang 4 ng hapon.

10. At higit sa lahat maexperience mo ulit ang kahalagaan ng tinapay at malalaman mo di kung bakit nga ba patok sa Pinoy ang Gardenia, di dahil malinamnam ito kungdi "Masarap kahit walang palaman".


So anu panghinihintay mo bakit di mo subukan magGardenia Bread Tour kasama ng pamilya o kabarkada mo malay mo maexperience mo din ang naexperience ko tsaka wala naman mawawala sayo sapagkat mas madadgdagan pa ang iyong kaalamanan, di ba?

So kita-kits na lamang tayo sa Gardenia Bread Plant, malay mo magkita tayo dun.

More fotos inside the Gardenia Bread Plant visit and like the official page of AXL Powerhouse.

Comments

  1. I wanted to thank you for this great read!!
    I absolutely enjoyed every little bit of it. I have got you book marked
    to look at new things you post…

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts