AfterFour Band, Pangarap Ito Na!!
Akala ko noong una na ang AfterFour Band ay isang boyband kung yung bang parang isang Nysnc o Westlife yun pala siya Alternative Pop opm band kung gumagawa sila ng isang cover song na mula sa kantang pambabae ay gagawin nilang itong astig at madamdamin male version ng kanilang grupo.
Tara samahan ninyo akong kilalanin pa natin ng mabuti ang AfterFour Band bago ko ikwento ang ilang detalye na naganap sa kanilang kakatapos lamang na mini-concert noong Agosto 08,2014.
Paano nga ba nagsimula ang AfterFour Band ayon mismo kay Koj ang lead vocalist ng group nagsimula sila noong 2012 kung saan tumutugtog na rin sila sa iba't-ibang bars, theaters, festivals at kung saan-saan pa. At isa sa mga trivia na nalaman ko sa kanya ay 3rd Generation na pala ito ng AfterFour Band at si Koj na lamang ang natitirang original dito.
Bakit nga ba naging AfterFour Band ang naging pangalang nila?
Kasi ganito alam naman natin ang pagbabanda ay di biro lalo na kung may mga gigs ka sa bar kung saan madalas ay late na nagsisimula at natatapos, sa part namin natatapos kami ng After four at uuwi ka na lamang sa bahay upang pagpahinga o matulog tas gigising ka na lamang ng Afterfour kung saan magrerehears naman kayo para sa gigs niyo, ika ni Koj Daniel Reynes.
Ang AfterFour Band ay binubuo ng 4 na member na sina Koj Daniel Reynes bilang lead vocalist, Angelberg Josue bilang lead guitarist, Mark Pascual Lim bilang bassist at Justine Margallo bilang acoustic guitarist
Anu yung mga genre talaga ng AfterFour Band?
Alternative Pop tsaka Love songs, - ika ni Koj Daniel Reynes.
Bamboo isa sa mga gusto kung makacollaborate. - Koj Daniel Reynes
Anu yung gusto ninyo makuha ng mga tao pagnapanood nila yung concert ninyo?
Ang aim namin dito sa concert ay makuha namin yung puso nila at pag-uwi nila masasabi nilang masarap mainlove. - Koj Daniel Reynes
Lahat ng maririnig ninyo sa magiging album namin ay story ko yun. - Koj Daniel Reynes
Anu yung kwento sa likod ng "Huling Sayaw ng Puso?"
Kung ginawa kung song na "huling sayaw ng puso" , I made that song last two years, story yun ng forer girlfriend ko na iniwan niya ko na as in wala lang, alam mo yun ok pa lang kami kagabi tas kinabukasan wala ng paramdam tas nalaman ko na lang sumama na lamang siya sa ibang lalaki. Tapos before ko gawin yung song tiningnan ko muna siya sa facebook sabi ko, ito na yung huli na titignan ko siya sa facebook para siguro na di ko na siya makikita binalock ko na siya. Tapos yun naglalakad ako nun eh papuntang Chowking tapos narinig ko yung song ng chowking tapos yun pumasok na sa isip ko yung isusulat ko na kanta. Kaya instead na kakain ako ayon umuwi ako sa bahay para gawin yung song.
Sabi ko kasi paggagawa ako ng isang kanta yung talagang tatagos talaga sa puso. - Koj Daniel Reynes
Sa tingin mo saan mas madaling sumulat ng isang kanta pagbroken-hearten ka o paginlove ka?
Sa ngaun kasi pareho tska ang plan ko ay gumawa ng isang album muna sa broken-hearten patungo sa pag-inlove. Tsaka mas masarap sumulat pagmalungkot ka. - Koj Daniel Reynes
After this concert anu yung magiging next plan ninyo?
After this inaayos na yung magiging launching ng aming album mahaba-haba kasing preparasyon din yun.
Anung meron kayo na wala sa ibang banda?
Kami kasi tumutugtog kami di dahil gusto namin kungdi passion talaga namin yun. Tsaka pagnagcocover kami ng song iba yung atake kasi we create our own version.
Anu-anu yung mga fave ninyong mga kanta?
Yung anu kanta ng Soapdish yung "Ok lang sayo", sa Truefaith, yung Turnback time tsaka Thousand Years, love of my life at wag ka ng umiyak.
Tuwing kailan kayo nagrerehears?
Almost araw-araw lalo na kung malapit na yung gig/event para mas maging maganda yung magiging kalabasan pagnagpeperform kami.
Kamusta naman yung pagshoot ng music video ninyo?
Ayun eight hours kaming puyat, pagkagaling sa gig diretso kami sa shoot para sa music video. Pero yung masasabi ko sa music video sobrang galing at ganda. Kinakabahan nga ako yun ginagawa namin yung music video kasi camera shy talaga ako at nahirap ako sa pagharap ng camera at nakafive shoot ako para sa isang scene dahil sa mata ko. Tsaka first time kung sumayaw kasi di talaga ako sumasayaw sa totoong buhay.
Narito ang ilan sa mga eksenang naganap sa AfterFour Band mini-concert.
First set nakinanta ng AfterFour Band ang Ulan at Got to Believe.
Syempre dahil concert ito meron silang mga kilalang mga guest katulad ni Isabel Granada na kinanta ang Listen, Let's the love begin, Perfect at Love of my life syempre kasama ang AfterFour Band kungbaga duet sila ni Roj.
Ikalawang guest performer nila ay si Lilet, nakinanta naman niya ang solo ang Sunlight at Can't I get my mind.
Ikatlong guest performer na si Princess Velasco na kinanta ang sikat na Rawr at Fireworks kung saan nakising-along din ang mga audience.
Ikaapat na guest performer si Bea Binene na kinanta ang kanyang isa sa kanyang album na Dito sa puso ko at Asa ka pa.
At ang pinakahihintay ng lahat ng audience ang the legend na si Lloyd Umali kung saan kinanta niya ang Go the distance at ang kanyang sikat na sikat na kanta na Bakit Sinu pa?!.
At pagkatapos yun ay ang pinakahihintay syempre ang pagkanta nila ng isa magiging laman ng album ang "Pangarap Ito Na" at ang kanilang rendition ng kanilang paboritong kanta na Turnback Time.
At sinu pa nga ba ang makakalimot sa kantang Nasa Langit na ba ako? at Paminsan-minsan kung saan mismong si Richard Reynoso ang kumanta at kung saan nakisama din ang mga madlang pipol sa pagkanta at pagsecond voice nito. Di lamang yun pinagbigyan pa ni Richard Reynoso ang madlang pipol ng isa pang kanta kung saan binigyan buhay niya ang kanyang version ng Harana nang Parokya ni Edgar.
Ika nga nila nasa huli ang pasabog ng grupo kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakakita sa madlang pipol ang opisyal na music video ng AfterFour ang "Huling Sayaw ng Puso", di lamang yun pagkatapos ng music video at kumanta din sila mismo ng live at lumabas din ang leading lady niya sa music video.
Isa sa mga pinakagusto kung parte ng kanta na ginawa ng AfterFour Band ang kantang "Huling Sayaw ng Puso" ay yung sa chorus part sapagkat talaga naman nadala ka sa mga bawat salita nito at alam mo ganung pakiramdam.
Narito ang opisyal na music video ng AfterFour Band
Narito ang ilan sa mga bahagi ng chorus "Huling Sayaw ng Puso"
Ito na ang huli
Dito matitigil ang lahat
Ito na ang huli
Maghihiwalay na ng landas
Ito na ang huli
Ito na ang huling sayaw ng ating puso
Ang "Huling Sayaw ng Puso" ay sinulat ng kanilang lead vocalist na si Koj.
Muli isang kampay para sa AfterFour Band sa kanilang maganda at mahusay na mini-concert at congrats sa lahat ng bumubuo nito.
Kita-kits na lamang tayo AfterFour Band sa inyong album launch!
Para sa iba pang mga larawan na naganap sa AfterFour Band mini-concert maari lamang kayong pumunta sa opisyal na fanpage ng AXL Powerhouse.
Comments
Post a Comment