Mangan Ta Na : Sigsaga Yakiniku Buffet (An Affordable Korean-Japanese Buffet)

The more than 12 menu of Sigsaga Yakiniku Buffet
Sigsaga Yakiniku Buffet, isa sa dinadayo ngaun na buffet restaurant sa Las Pinas dahil sa kanilang presyong mura pero ang kalidad ng kanilang produkto na talaga naman masarap. Noong pumunta ako sa Sigsaga Yakiniku Buffet wala akong expected sa lugar pero naririnig ko na ang Sigsaga Yakiniku Buffet sa aking mga kaibigan na nakatira lamang malapit dito o maging sa ibang blog site pero hindi ko talaga tignan ito sapagkat alam ko sa sarili ko na once na makita ko ito ay mahuhumaling ako ng gusto sa pagkain kaya naman hinayaan ko na lang ito.

food photography shoot for Sigsaga Yakiniku Buffet
Ngunit nilang weekend lamang ay talaga naman hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili na tignan at tuklasin kung anung misteryo nga ba ang bumabalot sa Sigsaga Yakiniku Buffet at bakit ang daming pumunta dito. Ang balita ko pa nga ay laging punuan ang lugar lalo na kung sasabit ang weekend at buti na lamang noong pumunta ako sa Sigsaga Yakiniku Buffet ay opening nila kaya naman hindi masyadong matao. Pero kahit sabihin natin na hindi ito masyadong matao ay madami pa rin.


Sigsaga Yakiniku Buffet ( Shrimp Tempura for only Php129)
Noong pumunta na ako sa Sigsaga Yakiniku Buffet ay wala na iba pa ung pakiramdam ko kasi hindi ko akalain na sa halagang 299 pesos ay meron silang unlimited korean at japanese buffet na talaga pagpapatakam sa iyo. Maliban pa dito ay nag-ooffer din ay Sigsaga Yakiniku Buffet ng paborito kong japanase tempura sa halagang 129 pesos lang tapos ang twist pa dito anim (6) na piraso na malalaki na shrimp pa ito. Kaya naman sobrang tuwa ko at napadami ang order ko dito dahil nga paborito ko ito.

Student Yakiniku Buffet 259
Isa pa sa gusto ko sa  Sigsaga Yakiniku Buffet ay ang dami-dami nilang pakulo para mas lalo kayong pumunta dito, isa sa mga pakulo nila ay ang barkada treat kung saan ung pupunta kayo na anim kayong magkakabarkada ang isa sa inyo ay makakakuha ng libreng buffet, o hindi ba? Sulit na sulit ang punta ninyo dito lalo na kung ang barkada mo ang may kaarawan saan ka pa ba.

Hindi lang yan ang meron sa pakulo nila kung isa kang estudyante tapos di mo afford ng korean buffet dahil kulang ang allowance mo aba pumunta ka na sa Sigsaga Yakiniku Buffet dahil meron din sila para sa katulad mong estudyante at tinatawag nila ang promo na ito na Student Yakiniku Buffet na nagkakahalaga lamang ng 259 pesos. Oh nakatipid ka na nakakain ka pa sa isang malupit na Korean - Japanese buffet.

yummy premium beef strip of  Sigsaga Yakiniku Buffet
Kaya naman hindi kataka-taka na ang Sigsaga Yakiniku Buffet ay dinadayo ng kanilang parokyano dahil sa sulit at abot kayang halagang buffet na naglalaro lamang sa 299 pesos. Alam rin ba ninyo ng dahil sa dami at punuan lagi ang Sigsaga Yakiniku Buffet ay nagkaroon na ito ng branch pero sa loob pa rin ng Las Piñas.


the variety of strip foods
Hindi na ako magtataka pa kung sakaling darating ang araw na magkakaroon ito ng ibang branch sa labas ng Las Piñas dahil kung tutuusin ay pwede naman lalo't pa ang siniserve nilang mga pagkain ay dekalidad at aabot kaya para sa lahat. Lalo na ngaun na unting unti na rin nauuso ang mga buffet restaurant sa mega manila pero ang tanung pa rin dyan ay abot kaya ba o dekalidad katulad ng Sigsaga Yakiniku Buffet.

Kung ako sayo subukan mo ng pumunta dito lalo na kung tiga south ka lang naman sulit ang bawat pera mo dito at kung tatanungin mo ako kung paano pumunta dito naku napakadali lamang sa loob lang sila ng Bf Resort, Las Piñas at madali lang silang makita sapagkat nasa highway ang established na ito.

So paano hanggang sa muling #ManganTaNa adventure malay mo makahanap pa ako ng An Affordable Korean-Japanese Buffet sa Mega Manila hindi lamang dito sa south.

Comments

Popular Posts