Barbie Forteza and Ken Chan excited for "This Time I'l Be Sweeter"


Muling nagbabalik tambalan ang isa sa nagpakilig sa akin sa telebisyon na sina Barbie Forteza at Ken Chan.

Nakilala ang tambalang Barbie Forteza at Ken Chan noong nagsama sila sa isang hit teleserye ng Kapuso Network na may pamagat na "Meant To Be" at dahil sa palabas na iyon ay marami ang panonood ang nabighati sa kanilang sweet chemistry sa telebisyon.
Kaya naman muli silang magbabalik upang magbigay ng manibagong kilig sa atin ngunit sa pagkakataon na ito ay sa big screen na.                             

Ang kanilang pelikulang ito'y may pamagat na "This Time I'l Be Sweeter" kung saan ang kwentong ito ay iikot sa kwento ng umaasa, nagpaasa at aasa pa ba.


Natanung din ng ilan sa mga membro ng bloggers kung anu ba ang meron sa kanilang dalawa ni Barbie Forteza and Ken Chan o mas kilala bilang KenBie bilang isang love team na wala sa iba?

Ayun mismo kay Barbie Forteza, "Komportable kaming dalawa ni Ken kasi nagkatrabaho na kami sa Tween Hearts pa lang. Kaya nakakakilig man o heavy na eksena para sa akin nagwowork talaga kami kasi wala kaming ilangan sa isa't-isa, hindi namin pinipilit na magkaroon ng chesmistry. Ginawa namin kung anu yung dapat, bahala na siguro ung magiging outcome nun, Basta kami ni Ken ginagawa lang namin ang dapat at normal lang kami sa isa't-isa. Hindi kami masyadong showbiz."

Narito video para sa buong detalye ng interview na iyan.


Kaya naman sigurado akong maraming makakarelate sa pelikula nina Barbie Forteza at Ken Chan dahil minsan dumating tayo sa point na naging ganun din tayo.

The cast of This Time I'l Be Sweeter
Makakasama din sina Ara Mina, Rey Abellana, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Ramirez, Fiona Yang, Jon Leo at marami pang iba.

Kaya naman wag kalimutan panoorin at ishare ang love, tears and romance sa iyong paboritong sinehan simula sa Nobyember 8, 2017.

Mula sa direksyon ng mahusay na direktor si Direk Joel Lamangan at mula sa produksyon ng Regal MultiMedia Inc.

Comments

Popular Posts