Doraemon Philippines Roadventure bid goodbye?

The whole cast of Doraemon Philippines Roadventure and the Animation Intl
Pansamantala munang magpapaalam ang isa sa mga paborito kung anime, ang Doraemon sapagkat muli na naman syang babalik sa kanyan pinagmulan na bansa. Mamiss ko din ang mga masasayang araw na kasama sya at mga panahon na nagbigay ng kakaibang saya at ginhawa hindi lamang sa akin kundi para sa lahat ng nagmamahal sa kanya.
Kids love Doraemon
Opo tapos na ang Doraemon Philippines Roadventure kung saan nilibot nila ang iba't-ibang sulok ng mega at metro manila upang magbigay ng kakaibang saya, aral at galak sa mga bata pati na rin sa mga pusong bata.

The Doraemon gang
Kaya naman nitong huling Doraemon Philippines Roadventure ay muling nagsama-sama ang buong cast ng Doraemon upang magbigay ng saya sa lahat ng sumuporta at ng bigay ng panahon upang sila ay makita ng personal. Dito rin sa huling Doraemon Philippines Roadventure nagkita-kita ang ilan sa mga community ng Doraemon fans and friends at mga Doraemon collectors. Nakakalungkot lang kasi wala masyadong mga merchandise pero syempre ang mahalaga andun ang lahat.

Not just a fan or a collector but also a advocate of #IMYourHero
Isa sa mga naging program ng Doraemon Philippines Roadventure ay ang pagpapakilala ng #IMYourHero since yun naman ang naging campaign nila dito sa Pilipinas. Isang campaign na nagbibigay ng bahala sa bawat isa sa atin, isa sa mga parte ng campaign nila ang anti-bullying since alam naman natin na isa ito sa mga madalas pangyari sa mga paaralan kaya marahil sobrang tagumpay ang campaign na ito base na rin sa VTR na ipinakita nila sa amin.

Dahil kumpleto ang Doraemon Gang nagroon din ng munting kasiyahan para sa lahat kung saan nasilayan ng mga manood ang pagsayaw ng pag-indak nina Doraemon, Nobita, Shizuka, Suneo, at Damulag sa entablado.


Nakakatuwa talaga silang makita sa entablado na kumpleto at sinasayaw nila ang bagong theme song ng Doraemon. Nakakawala ng stress at pagod. Iba talaga ang dalang karisma ng Doraemon.

Muli maraming salamat s Doraemon Philippines sa pagdala ng Doraemon at pagpapakilala sa mga bagong henerasyon ngaun kung sino nga ba si Doraemon.

Hanggang sa muling pagkikita....

Comments

Popular Posts