Doraemon and Nobita to roadventure in SuperMalls

Nobita and Doraemon in the Philippines
Sino nga ba ang pagkaakala na ang isa sa pinakasikat na cartoon o anime noong 90s ay magkakaroon ng isang masayang adventure dito sa Pilipinas. Sino pa nga ba ang tinutukoy ko walang iba kundi ang isa sa mga paborito kong cartoon o anime na Doraemon.


Photo opportunity with Nobita and Doraemon
Si Doraemon ay hindi lamang isang basta cartoon o anime para sa akin sapagkat malaki rin ang naging impluwensya nito noong kabataan ko dahil sa bawat episode ng palabas na Doraemon ay madami kang matutunan hindi lamang ito patungkol sa mga modernong gadgets na meron si Doraemon kundi pati na rin sa kanyang abilidad na mas maging mabuting bata si Nobita.

Doraemon "I'm Your Hero" Campaign
Kaya naman noong nagkaroon ng Roadventure si Doraemon sa piling supermall ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumunta doon lalo't malapit lamang ito para sa akin. Ang nakakatuwa pa dito ay ang dami rin na bata at pusong bata ang pumunta sa nasabing roadventure na ito. Kaya naman bilang isang tagahanga ni Doraemon ay sobrang saya ko at masasabi ko na buhay na buhay pa rin ang diwang iniwan ni Doraemon dahil kahit sa ganitong modernong panahon ay kilala pa rin sya.

Narito ang ilan sa mga masasayang eksena na makikita mo sa kanyang Roadventure.


Ang video na ito ay kuha sa isang sikat na mall sa Paranaque kung saan parte ito ng Doraemon Roadventure kitang-kita sa video na ito na madami naaliw at natutuwa kay Doraemon lalo na noong lumabas na ito at sumayaw ng isa sa mga sikat na dnce craze ngaun na baby shark.


Nakakatuwa pa lang tignan sina Nobita at Doraemon na sumasayaw ng Baby Shark, aaminin ko na medyo minsan nakakairita na rin kahit papaano ang kanta na yan pero noong sinayaw ito nina Nobita at Doraemon biglang nawala ang inis ko. Marahil siguro dahil ang nakikita kong sumasayaw sa entablado ay ang aking mga paborito.

The kids and kids at heart favorite photo booth
Kaya naman kung gusto mo rin maranasana ang naranasan ng mga pumunta sa Doraemon Roadventure aba sugod na sa kanilang mga lineup na Roadventure sa  Robinsons Place Manila sa darating na November 4 and 5 at sa Mall of Asia sa darating na November 17-19, Friday hanggang Linggo pagkakataon mo na rin ito upang makita ng personal sina Nobita at Doraemon.

So paano kita-kits tayo sa masayang roadventure na ito. Malay mo makakuha ka ng masayang gadgets mula kay Doraemon.

Para sa iba pang mga detalye maari lamang pumunta sa opisyal na facebook ng Doraemon Philippines na https://www.facebook.com/DoraemonPH/.

Comments

Popular Posts