Top Bonsai, Ikebana and Suiseki Master Sanib Pwersa for the first time
Ang tatlo sa magagandang at nakakamanghang sining ay nagsama--sama sa kauna-unahang pagkakataon na ito, walang iba kundi ang The Philippine Bonsai Society (PBSI), Natural Stone Society of the Philippines at ang Ikebono Ikebana Society of Manila #67.
Halos malula ka sa dami ng mga bonsai na makikita mo sa lugar na aabot sa higit sa 200 bonsai trees, Suiseki viewing stones at Ikebana creations. Kung tutuusin ay para ka na rin nagpunta sa isang munting hardin ng palasyo sa Japan dahil sa aking ganda ng mga ito at nawawala talaga ung mga stress mo dahil sa magandang environment. Ito marahil ang dahilan kung bakit madami na rin ang nag-aalaga ng bonsai, gumagawa ng Suiseki at Ikebana.
Nakakatuwa din dahil maraming mga banyaga ang sumali para sa munting exhibit nito na nagmula sa Japan, Taiwan, Estados Unidos at syempre papahuli pa ba tayo may Pilipinas din.
Kaya hindi na ako magtataka pa kung mas lalo itong yayabong sa mga bagong henerasyon ngaun lalo't pa ngaun na masyado stressful ang buhay. Isa din sa maganda dito ay pagsuporta ng SM Malls sa mga ganitong klaseng advococa para sa kalikasan na alam naman natin lahat na malaking parte talaga ang inang kalikasan para mas mabalanse ang takbo o maiwasan ang mga sakuna.
Kaya huwag na huwag mong papalagpasin ang mga ganitong pagkakataon lalo't minsan lang ito makikita sa SM Mall na meron isang section na puro green at maaliwas tignan.
Magtatagal ang exhibit ng Sanib Pwersa mula ngaun Marso 22 hanggang 25, 2019 sa The Block Atrium, SM North EDSA.
Comments
Post a Comment