Ikebana International Manila exhibit at Shangri-La Plaza
Ang Ikebana ay isang uri ng Japanese art flower arrangement kung saan mas bibigyan mo ng panibagong buhay at panatiling buhay.
SA totoo lang parang ito ata ang kauna-unahang kung karanasan pagdating sa Ikebana, Kaya naman tuwang - tuwa ako ng makita ko ang ganda ng bawat bulaklak na inayos at binigyan ng kakaibang style na Philippine - inspired.
Narito ang ilan sa mga magagandang Ikebena na nagmula pa sa Cebu, Cagayan de Oro at Davao.
Nakakatuwang pagmasdan ang mga Ikebana sapagkat nakikita mo talaga na masaya ang gumawa nito at hindi lamang un dahil pinapakita din nito na ang pamana ay hindi dapat kalimutan nino man sapagkat isa ito sa mga dahilan upang mas yumabog tayo sa hinahanap.
Ang Ikebana exhibit na ito ay parte pa rin Ng Shangri-La Plaza para sa kanilang buwan ng kababaihan kung saan binibigyan halaga ang mga kontribusyon ng mga babae sa iba't-ibang larangan ng sining.
Mananatili ang Ikebana Exhibit hanggang Marso 24,2019 sa Shangri-La Plaza Grand Atrium.
Kung may pagkakataon kayo maari din kayo makilahok sa kanilang libreng demonstration kung paano ka ba ginawa ang Ikebana magaganap ito sa araw ng Sabado at Linggo, Marso 23 at 24 sa ika 3:00pm hanggang 5:00pm.
Comments
Post a Comment