Cebuana Lhuillier launches easier way to save money through micro savings
Sabi nila ang mga Pilipino daw ay mahilig talaga mag-ipon ng salapi ngunit madalas ay sa alkansya lamang nila ito nilalagay o hindi naman kaya ay nakatago lamang sa mga aparador o mga sekretong lugar.
Kaya naman hindi maiiwasan na magastos ito ng hindi inaaasahan lalo na sa mga bagay na gustong bilhin.
Kung itatago naman nila ito sa bangko ay katakot-takot na requirements pa ang kanilang hinihingi na minsan ay hindi maibigay ng isang gustong mag-impok lalo sa mga class c family na alam naman natin na bibihira lamang sa kanila ang meron mga valid ID na kailangan, minsan pa nga ay isa lang talaga ang meron sila.
Kaya naman laking tuwa ng karamihan na nagkaroon ng pagbabago ang Cebuana Lhuillier na mula sa pagiging lapitin para magsangla o nagpadala ng pera sa minamahal ay meron na rin silang Micro Saving. Isang Micro Saving na tutulong sa mga hindi kayang mag-impok sa mga malalaking banko sa bansa.
Maski naman ako natuwa na meron ng ganito ang Cebuana Lhuillier dahil mas mapapadali, mapapabilis at higit sa lahat at abot kamay na mga ordinaryo mamamayan ang tamang mag-iimpok ng pera para sa kinabukasan ng lahat.
Syempre dahil nga meron ng Cebuana Lhuillier Micro Savings, anu-anu nga ba ang mga requirements at paano mag-aavail ng Cebuana Lhuillier Micro Saving?
Sobrang dali ng proseso ng Cebuana Lhuillier Micro Savings narito ang mga hakbang kung paano mag-avail ng Cebuana Lhuillier Micro Savings.
1. Una dapat meron kang valid government ID na ipapakita para mapatunay na ikaw iyon, kagaya ng nasabi ko ng una isang valid ID lang pasok ka na katulad lamamg ng Barangay Certificate ID, Driver's license, DSWD Certificate, GOCC ID, GSIS Ecard, IBP, NEW TIN ID, OWWA ID, Voters ID at iba pang katulad nito.
2. Maghanda ng 50 pesos para sa minimum deposit para makapagbukas Ng account na kung tutuusin kayang kaya ng lahat kumpara sa iba.
3. Ang maganda sa Cebuana Lhuillier Micro Savings ay wala kang babayaran na transaction fee kung baga kahit saang Cebuana Lhuillier branch ka magdeposit o magwithdraw libre.
4. Isa din sa maganda sa Cebuana Lhuillier Micro Savings ay makukontrol mo ang lumalabas at pumapasok na pera mo dito dahil Ang minimum deposit nila ay 50 pesos at ang maximum ay 50,000.00 pesos (Php50,000.00). Sa pag withdraw naman ay 100 pesos hanggang 5,000.00 (Php5,000.00) lang.
5. Ang maganda din sa Cebuana Lhuillier Micro Savings ay pwede mong gamitin nito ng 3 beses meaning 3 transaction per day at ang masaya dito wala kang iintindihin na maintaining balance.
6. Kahit micro savings lang ito meron interest namakukuha, ang interest ay per annum basta ang daily balance mo ay hinfi bababa ng 500 pesos.
Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung magkakaroon na sila ng isang banko sa susunod na taon. Dahil sobrang laking tulong talaga ng mga ganitong Micro Savings dahil mabilis, abot kamay, ligtas pa ang iyong pera at higit sa lahat ay makakapag-ipon ka para sa iyong kinabukasan.
Kaya naman bakit hindi mo subukan ang ganito malay natin kahit maunti unti ay hindi mo namamalayan ay nakapag-impok ka na pala at magagamit mo sa mga importante mga bagay ay iyong napag-ipunan. Kaya naman punta na sa iyong pinakamalapit na Cebuana Lhuillier ay simulan na ang pag-iimpok.
Comments
Post a Comment