Experience Philippine International Pyromusical Competition at Clark Pampanga


Isa sa mga inaabangan tuwing papasok ang buwan ng Pebrero at Marso ay ang Philippine International Pyromusical Competition o mas kilalang bilang PIPC kung saan naglalaban laban ang mga kilalang bansa upang magpagaling sa pyromusical.


Marami ang nagulat ng nalipagt ang Philippine International Pyromusical Competition sa SM Clark Pampanga mula sa SM Mall of Asia dahil iyon sa clean up drive ng pamahalaan upang linisin ang Manila Bay.

Noong una ay natataka ako kung bakit yun ang napiling venue pero nung nasilayan ko naman ito ay namangha ako sa ganda at lawak ng pagdadausan ng lugar.


Pumunta pala ako dito sa Philippine International Pyromusical Competition nitong nakaraang araw lang kung saan ang magkalaban na bansa ay ang Portugal at Germany.

Habang pinapanood ko ang bawat pagputok ng mga firework sa kalangitan ay hindi ko mawari na ganun pala kasarap makita ang iba't ibang uri ng fireworks sa malapitan.

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan ko nitong nakaraang Marso 2, 2019 sa SM Clark Pampanga.

Portugal’s “Pirotecnia Minhota”




 Germany’s “Steffes-Ollig Feuerwerke”




Sobrang aliw na aliw ako sa Germany na fireworks marahil dahil sobrang sabay na sabay ung fireworks pati ung music nila.

Kaya naman huwag na huwag mo din papalagpasin ang ganitong klaseng ganap kahit na nalipat na ito sa Clark Pampanga maganda pa din ang pakulo nila.

Magtatagal ang Philippine International Pyromusical Competition hanggang sa Marso 30, 2019 kaya pwedeng pwede ka pa humabol at mabibili ang tiket sa
 www.pyrophilippines.com o sa SMTickets, SM Cinemas, SM Mall of Asia ticket booths starting February 13, and at SM City Clark ticket booths.

Comments

Popular Posts