Experience First Veggie Festival by Maxicare
Sabi nga nila pahalagaan mo ang katawan mo sapagkat pagnawala ito wala ng pwedeng pumalit lalo na ngaun na ang daming nagsusulputan na iba't-ibang mga process food or mga fast food sa bansa na alam naman natin na hindi ito healthy sa ating katawan. Wala naman masama kung kakain ka sa mga fast food chain pero dapat ay hinay-hinay lamang tayo.
Kaya naman mas mainam na kumain tayo ng mga masustansyang pagkain para mas maging matatag at matibay ang ating katawan, ika nga nila kumain ng gulay upang humaba ang ating buhay.
Kaya naman nakakatuwa na ang isa sa mga prime healthcare ng bansa ay naglunsad ng isang ganap para sa ating lahat tinawag nila itong "First Veggie Festival hosted by Maxicare" kung tutuusin ay hindi lamang mga paninda ng mga pagkain gawa sa gulay o mga healthy food ang meron dito sapagkat may mga session din sila kung paano mo papahalagahan ng husto ang iyong katawan.
Narito ang ilan sa mga interesting food stall na nakita ko sa First Veggie Festival hosted by Maxicare.
Kung baga kung nakapunta ka dito masasabi ko na nasulit mo ang araw mo dahil bukod sa naging healthy ka pa ay nakatulong ka na sa mga enterprenuer natin na kababayan.
Comments
Post a Comment