Sylviahera ang kwento ni Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez at Direk Dante Nico Garcia
Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa isang sikat, nirerespeto, tinitingala at ginagalang na aktress na si Sylvia Sanchez. Mas tumatak ang kanyang pangalan sa mundo ng telebisyon ng napasama sya sa isang tv series ng Kapamilya Network ang "The Greatest Love" kung saan mas minahal sya ng sambayanan dahil sa aking galing nya dito lalo na kung saan nagkaroon ng kumprontasyon ang buong pamilya patungkol sa kanyang sakit.



Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit naging sunod-sunod ang mga naging proyekto ni Sylvia Sanchez pagkatapos ng serye na iyon kaya naman bago magtapos ang taong ito ay mayroon isang kakaibang gagawin ang isang Sylvia Sanchez kung saan papasukin na rin nya ang mundo ng cyberspace o social media dahil magkakaroon sya ng isang serye patungkol sa pagluluto, travel at lifestyle nito na makikita sa Youtube.

Ang magiging titulo ng kanyang channel ay Sylviahera kung saan kumbinasyon ng kanyang pangalan na Sylvia at byahera. Nakakatuwing isipin na isa ako sa mga napili na makita ang ilan sa mga Behind-The-Scene video ng Sylviahera at masasabi kung sobrang natural lang ng mga eksena ito ung tipong ulit-ulitin mo panoorin kasi nakikita mo ung sarili mo na ganun kayo bilang isang pamilya sa probinsya at natural na natural ang bawat eksena. Isa sa mga nagustuhan ko nga sa eksena doon ay ang pagluluto o pag-iihaw nila ng lechon kasama ng kanyang anak na Xavi at Gela na talaga naman makikita mo na ganun ang tunay na kwento ng buhay.

Kwentuhan kasama si Sylvia Sanchez 
Pagkatapos namin mapanood ang ilan sa mga piling eksena sa Sylviahera nagkaroon kami ng pagkakataon na makipagkwentuhan kay Ms. Sylvia Sanchez nasabi nya sa amin na kaya nya gusto gumawa ng ganitong klaseng palabas hindi dahil uso ito kundi gusto nya ibahagi sa madla ang kanyang masarap, mahirap at nakakatuwang nakaraan sa kanyang probinsya sa Mindanao at maliban pa dito gusto nya malaman pa iba't-ibang klaseng tao sa probinsya na kanyang kilalakihan. Ang maganda din kasi sa Sylviahera hindi lang niya kwento ito, kwento ito ng isang ordinardong tayo na gusto maibahagi ang kaalamanan sa ibang tao katulad ng ibang klase ng pagluluto ng lechon na hindi lang basta lechong baboy kasi daw sa Mindanao meron ibang klaseng lechon kung saan sa loob nito ay meron pang manok, kakaiba nga naman hindi ba? Lalo't pa sa Maynila aty walang ganun.

Portable kusina ni Ms Sylvia Sanchez
Isa din sa mga magiging highlight ng Sylviahera ay ang kanyang portable kusina kung saan nasa isang malaking maleta na ito nakalagay na dala-dala mismo ni Ms. Sylvia Sanchez na pwede syang magluto kung saan-saan hindi lamang sa kusina ng bahay, kahit mismo sa daan ay pwedeng pwede dahil nga sa portable na kusina na ito.

Kaya naman bilang isang manood sa Youtube sigurado ako na papatok ang ganung klaseng palabas dahil doon pa lamang ay kakaiba na ang datingan nito. Isama na din natin ang napakagandang cinematography at ganda ng lugar na makikita na talaga naman mahusay. Hindi din mabubuo ang Sylviahera kundi sa tulong ni Direk Dante Nico Garcia.

Simula sa Disyembre 25, 2018 mapapanood na ang unang Sylviahera sa Casa Nieves TV at tuwing Martes at Biyernes naman mapapanood ang ilan sa mga trivia, recipe at iba pa ng main content body nito.

Kaya huwag na huwag mo itong papalagpasin dahil panigurado hindi ka lang mabubusog madami ka din mapupulot na aral sa unang palabas pa lamang nito.

Comments

Popular Posts