POV : One Great Love
Sabi nga nila pag nakita mo na ang iyong mamahalin habang buhay huwag mo na itong pakawalan dahil sya naman talaga ang para sa iyo habang buhay? Pero paano kung ang one true love mo bumalik at ang daming binibigay na sign kanino ka nga ba dapat mapunta sa "One Great Love o sa One True Love" iyan ang tinalakay sa pelikulang pinagbibidahan nina Dennis Trillo, JC De Vera at Kim Chiu kasama din sina Eric Quizon, Miles Ocampo, Marlo Mortel, Niña Dolino, mula sa direksyon ni Enrico S. Quizon.
Isa tong kwento patungkol sa tunay na pagmamahal kung hanggang saan ka nito dadalhin at sasaktan. Minsan naiisip mo na lang ganun ba talaga kalala kung magmamahal ka ng sobra o kaya mo ba talaga palayain ang iyong mahal sa ngalan ng kanyang kasiyahan, madami tanung na minsan hindi mo maiisip na magagawa nga pa talaga ang ganun bagay.
Habang pinapanood ko ang palabas na ito madami pumapasok sa isip ko kung bakit o paano nga ba dapat ang pagmamahal na dapat walang labis o walang kulang.
Habang pinapanood ko ang "One Great Love" maraming emosyon ang pumapasok sa akin mua sa inis, galak at tuwa dahil iba ang atake na binigay ni Kim Chiu, isa ito maramahil sa masasabi kung iba sa mga nagawa niyang mga serye o pelikula masasabi ko din na magaling na talaga sya at kaya na nyang kumawala sa love team formula na ito. Si Dennis Trillo naman na hanggang ngaun ay hanga pa din ako pagdating sa kanyang pag-arte pero dito nakakainis sya dahil masyado niyang mahal ang isang tao masasabi mo na ito ung tipong taong mamahalin mo ng husto hindi dahil sa kabaitan na kayang pinapakita kung dahil sa wagas at walang kapalit na pagmamahal nya sa kanyang minamahal. Si JC de Vera hindi ko alam kung nakulangan ako sa kanyang pag-arte o sadya ganun lamang ang binigay na karakter nya dito dahil nakakainis at ito ung tipong pagmamahal na umaasa na lamang lagi sa tadhana o sign para sa pag-ibig o mas tamang sabihin na nabulag sa sya sa pagmamahal na akala nya ay kanya.
Ikaw paano ka nga ba magmahal sa iyong pinamahal? Hanggang saan mo nga ba kayang magmahal? o nahanap mo na ang iyong "One Great Love".
Comments
Post a Comment