Southeast Asia's first IMAX® with laser now in Evia Lifestyle Center


Sabi nga nila sa panahon ngaun ay hindi mo na basta-basta mapapanood ang mga tao sa sinehan dahil sa mahala na ito ay pwede mo naman ito mapanood sa mga streaming app pagkatapos ng ilang buwan. Ngunit para sa akin iba pa rin talaga ang pakiramdam mo sa loob ng sinehan lalo na sa big screen at samahan mo pa ng masarap na ambiance, sounds at projection ng ilaw. Ilan lamang yan sa mga importanteng bagay para sa akin para masabi ko na sulit ang panonood ko ng isang pelikula.

Southeast Asia's first IMAX® with laser now in Evia Lifestyle Center

Kaya naman bilang ako na mahilig manood ng sine kahit hindi halata ay tuwang-tuwa ako ng nalaman ko na magkakaroon na ng IMAX® na may laser sa Evia Lifestyle Center. Alam mo ung pakiramdam na nainlab ka ganung-ganun dahil finally hindi ko na kailan pa pumunta sa malayo para lang manood ng IMAX at hindi na hassle sa mga katulad ko na tigasouth.

Southeast Asia's first IMAX® with laser now in Evia Lifestyle Center


Sa mga hindi nakakaalam "IMAX® with laser" lang naman ang kauna-unahan sa Southeast Asia binurin mo yun, hindi lang yun nasa south area pa sya. Ang maganda dito sa "IMAX® with laser" ay yung mas sharper ung imahe na makikita mo kung baga kung anu ang nakikita ng naked image mo mas malinaw pa doon samahan mo pa ng magandang kulay na mas nagpatinkad dito swabeng swabe panoorin dito ang "Marvels Series" at ito ang malupit dito ung sounds nya. Alam mo ung tipong nasa loob ka talaga ng eksena kasi ung nasa kanan ung sound na tumatakbo doon mo sya talaga maririnig o hindi naman kaya pag may eroplano sa taas, sa taas mo talaga sya makikinig. Kaya para sa akin sulit na sulit ang panonood ko dito.


Kaya naman kung ako sa iyo dito ka na manood sulit na sulit ang P650 na meron ng kasamang popcorn at inumin. Tamang-tama ito lalo't pa malapit nang ipalabas ang "Aquaman" sa sinehan dito sa Pilipinas. Punta na sa 4/F Evia Lifestyle Center, Daang Hari Road, Almanza Dos, Las Piñas.

Salamat pala kay Aaaron Numu sa mga kuhang larawan,

Comments

Popular Posts