Nanay,Tatay is the PhilPop 2018 song of the year
Nanay,Tatay ang napiling song of the year sa taong ito ng Philpop 2018, hindi na ako magtataka pa dahil sa ganda ng mensahe ng awiting ito. Ito ung tipo ng kanta na akala mo simple lang pero may hugot,
may lalim, may tatak sapagkat ang akala natin awitin noong bata pa tayo na Nanay, Tatay gusto kung tinapay ay binigyan ng kakaibang bersyon ni Chud Festejo kung saan sumasalamin ito sa kasalukuyang panahon, isang simpleng awitin na akala mo pambata lamang pero kung nanamnamin mo itong mabuti ay doon mo makikita na hindi ito kantang pambata lamang.
Katulad na lamang sa linyamg "Ngayo’y itutumba, ang ulo’y mura lang ang presyo", dito pa lang sa linya na ito ang henyo lang ng pagkakagawa eh, what more pa kaya kung papakinggan mo ito ng buo kaya naman hindi rin nakapagtataka pa kung bakit napili rin ang kanta ng Nanay,Tatay ni Chud Festejo bilang Maynilad Best Music Video.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa PhilPop 2018.
1st Prize Winner - Di Ko Man composed and interpreted by Ferdinand Aragon.
2nd Prize Winner - Ako, Ako composed by Jake Buenafe, interpreted by Feel Day featuring Hans Dimayuga.
Special Awards
Maynilad Best Music Video - Nanay Tatay of Chud Festejo and director Ryan Evangelista
Smart Communications People's Choice Award - Donna Onilongo and Gracenote
Masarap din sa pakiramdam na habang nanood ka nito dama mo ang bawat suporta ng mga nanood dahil lahat ng mga kanta ay alam na alam din nila, isa din sa nakakatuwa ay nagperform ang Ben & Ben sa entablado at nagbigay ng payo at pasasalamat sa PhilPop dahil dito sila nagsimula at nahasa ng husto.
Sana tuloy-tuloy pa rin gumawa ang mga sumali sa Philpop kahit di sila nanalo pero para sa akin mapabilang ka lamang sa Top 30 o Top 10 nito ay isang masayang bahagi na ng iyong karanasan bilang alam naman nating lahat na mahirap makapasok dito.
Comments
Post a Comment