A Social Sunday at Makati Street Meet


Tuwing linggo ay araw ng pamilya kung saan nagsama-sama ito para mabigyan ng oras ang isa't-isa lalong-lalo na ang mga bata. Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit naisip ng organizer na magkaroon ng ganitong klaseng bazaar kung saan nagtipon-tipon ang mga SME sa iba't-ibang lugar upang mas lalong maging masaya ang inyong linggo.


Tinatawag nila itong Makati Street Meet kung saan magaganap ang ganitong klaseng bazaar tuwing unang linggo ng buwan pero sa taong ito dalawang beses na magaganap para mas makilala ng husto ang Makati Street Meet ng mga residente at ng kalapit lugar nito.


Ang masaya dito ay makikita mo ang ilan sa mga merchants katulad ng Mango Float Supreme Manila, Wagyu by Monica, Vegan Republic, Lemon Squeeze & Surf, Pacaro Leather, at marami pang iba na talaga naman mas nakakatakam magfoodtrip kasama ang pamilya hindi ba? Pero syempre hind lang naman pampamilya ito swak din naman ito sa mga magkakabarkada lalo na ung mga kakatapos ng mag exercise sa bandang Ayala Triangle o hindi naman kaya ung kakalabas mo lamang sa opisina.


Ako bilang isang foodie minsan mas masarap talaga may kasalo ka sa pagkain kasi doon mo mas naramdaman na masarap ang kinakain mo hindi ba?

Meron din arts and crafts activities para sa lahat kaya laking saya talaga na dito kayo minsan pumunta kasi kumpleto rekado na wala ka ng hahanapin pa mula sa pagkain, activities samahan mo pa ng munting jamming session mula sa mga indie artist pagkatapos pwede na rin manood ng Christmas lighting sa Ayala Triangle.

Makikita ang "A Social Sunday at Makati" sa kahabaan ng Paseo de Roxas likod lamang ng Ayala Triangle.

Comments

Popular Posts