Saranggola Blog Awards 2016
Kaya naman sa muling pagbabalik ng Saranggola Blog Awards ay mas masaya at panigurado akong marami na namang blogista ang lalahok sa Saranggola Blog Awards dahil nakapainteresante ng mga topik na meron sila ngaun. Narito ang ilan sa mga topik ng SBA2016 Pananampalataya, Pag-asa, Pag-ibig at Hugot, hindi ba napakainteresante lalo na sa topik na Hugot panigurado maraming mga blogista ang sasali sa ispesyal na Kategorya na iyon. Syempre dahil nga isang blog awards ito malamang sa malamang ay may premyo ito, simple lang ang premyo pero masasabi ko sa iyo na iba ang saya na madarama mo kapag ikaw ang napiling manalo sa napili mong kategorya at mas masaya sa awards night sapagkat mas makikilala mo kung sino-sino ang nagsusulat sa kanilang blog.
Ayun mismo sa opisyal site ng Saranggola Blog Awards ang mga kategorya sa taong ito ay Maikling kwento, Kwentong pambata, Tula, Sanaysay at "Hugot Lines". Ang mamanalo naman ay nakakakuha ng P5,000 cash at special commemorative award, o di ba? Ang saya. So anu pa ang iyong hinihintay sali na at makilahok sa Saranggola Blog Awards 2016 malay mo ikaw ang maging winner sa isang kategorya.
Para sa iba pang mga impormasyon maari lamang tumungo sa opisyal site ng Saranggola Blog Awards 2016 na www.sba.ph.
Para naman magka-iedya kayo kung anu ang nagaganap sa Saranggola Blog Awards narito ang aking unang karanasan sa SBA http://axlppi.blogspot.com/2011/12/ang-ikatlong-saranggola-blog-award.html at dyan din ang unang pagkakataon ko na lumahok sa nasabing blog awards.
Comments
Post a Comment