|
Acer Aspire “S” Series |
Sabi nga nila isa sa mga importanteng bagay ngaun na dapat meron ka at lagi mong dala o mas tamang sabihin ay on the go sa bawat lakad ay ang laptop o netbook lalong-lalo na kung isa kang yuppies o young entrepreneur sapagkat isa ito sa mga magiging sandata mo para sa mga magiging kliyente mo. Alam naman natin lahat na ang laman ng bag ng isang entrepreneur ay mga gadgets at papers kung saan andoon lahat ng mga kailangan para sa lahat ng gagawin.
O kaya naman sa isang blogger na katulad ko sapagkat dapat laging on the go rin sa lahat ng mga latest happening na nangyayari sa paligid lalo na social media generation na ngaun kung saan lahat ng bagay mabilisan.
Narito ang larawan ng Acer S Series : The thinnest notebook in the world.
|
Acer S Series Gold |
|
Acer S Series S3 |
Kaya naman buti ay inilabas na ng Acer ang isa sa masasabi kung alas nila sa iba sapagkat nitong nakaraang Sept 17, 2016 lamang ay ipinakilala na sa madla ang masasabi kung bongga at kakabog sa lahat ng notebook at laptop sa lahat ang kanilang Acer S Series kung saan all aluminum body, 12 hours of battery life ang Acer S3, ang Acer S5 naman ay wireless faster, uses AC standard in different channel at meron pang Dolby audio. Ang Acer S7 naman ay 9mm thick and sobrang nipis na kasing nipis pa ata ng isang piso ngaun.
Di ba kabog talaga alam natin na isa yan sa importante lalo na kung ayaw mo mabigat na dalahin at nagmamadali at magpresent o magsulat sulit na sulit ang Acer S Series.
|
Mr. Francis Kong |
Syempre bago nila ipakilala sa amin ang Acer S Series may pinakilala sa aming dalawang tao na masasabi ko din na malaki ang naging ambag sa lipunan natin ngaun, walang iba kundi ang motivational speaker na si Mr. Francis Kong at Ms. World Megan Young.
|
Megan Young |
Masasabi ko na sulit ang pakikinig ko sa kanila sapagkat ibinahagi din nila sa amin ang kanilang Aspire Story kung saan mas ipinakita nila kung walang pagsuboh na dadating sa kanila marahil ay hindi nila makakamit kung anung meron sila ngayon, Ganun naman talaga ang buhay hindi ba? Kahit sabihin mo na ilang beses kang napada, natisod o nahulog ang importante lumaban ka at alam mo sa sarili mo na malalagpasan mo ito. Para saan pa't humihinga ka sa mundong iyong ginagalawan hindi ba? Marahil ito din ito sa mga naging Aspire story ng Acer kung bakit nila naisip ang ganitong produkto na meron sila. Dahil alam nila na dadating ang panahon na magagamit at lilikha ng ganitong klaseng notebook. Ika nga nila kung naiisip mo magagawa mo.
Muli salamat Acer sa masayang session na iyon kay Mr. Francis Kong at Megan Young hindi lang ako lalo't nainspire mas naging motivational pa ako lalo.
Comments
Post a Comment