5 Reasons To Stay In BGC Hostel - Makati
Sabi nga nila isa sa mga masayang gawin o hindi naman kaya kung nastranded ka sa isang lugar o hindi naman may lugar ka napupuntahan pero alam mo naman napatratrapik ka o malelate ay magbook sa isang hotel o hindi kaya sa isang hostel hindi ba?
Bilang isang blogger minsan ko na rin naexperience ang isang hostel at masasabi ko na masaya naman ito lalo na kung may kasama ka na magpupunta para mag stay sa nasabing hostel hindi ba? Lalo na sa panahon ngaun na ang hirap hirap na bumayahe at hassle pa lalo na kung yung pupuntahan mo na lugar ay importante pa. Kaya naman wala kang choice kundi magbook sa isang hotel pero bakit ka nga ba magbobook pa sa isang mahal na hotel kung pwede ka naman magbook sa isang hostel na simple pero maganda ang accommodation hindi ba?
Kaya naman noong naimbitahana ako para tignan ang isang hostel sa Makati ay hindi na ako nagdalawang-isip pa para umoo sa imbitasyon na iyo dahil alam ko sa sarili ko na magagamitn ko ang hostel na ito sa panahon na kailan ko lalo na malapit na ito sa EDSA at maliban pa dito ay maibabahagi ko din ito sa mga kapwa ko mahilig magtravel at nagtitipid sa kanilang paglalakbay.
Kaya nama samahan mo ako tignan at alamin ang mga dahilan kung bakit nga ba kailan magstay sa BGC Hostel kung saan bakit sila swak sa panlasa ng mga travelista na katulad natin.
Bago ko simulan kung ang limang rason ay papakilala ko muna ang hostel sa inyo. Ang BGC Hostel ay namula sa pangalan na Be at your Greatest Comfort kaya naman sa ngalan pa lamang niya ay alam mo na at sigurado ka na comfort kung comfort ka sa hostel na ito,
Unang rason kung bakit....
Ang lokasyon ng BGC Hostel - ay nasa may daanan lamang ng EDSA kung saan alam naman natin lahat na madali naman mapuntahan at accesible sa lahat. Ang buong loksyon ng BGC Hostel ay #2855 Danlig St. EDSA Kalayaan sa pagitan ng Petron Gas Station at ng Mercury Drug.
Ikalawang rason kung bakit....
Sapagkat ang kanilang rate ang nakamura lamang at swak pa sa inyong bulsa na talaga naman na importante sa mga mahilig maglakbay. Ang kanilang rate ang naglalaro lamang sa Php500.00 pataas depende na lamang ung anung silid ang iyong kukunin.
Ikatlo rason kung bakit...
Simple ngunit artistic ang lugar isa ito sa mga importanteng bagay na hinahanap ng isang traveller o kahit turista sapagkat dito mo malalaman kung magiging maganda ba ang iyong pagstay sa lugar na ito. Dito sa BGC Hostel masasabi kung maganda at artistic ang paggagawa mula sa lounge area nila hanggang sa 2nd floor ng kanilang lounge area kung saan pwede kayo magbonding muna bago pumasok sa loob. O hindi naman kaya mag-internet muna habang hiniintay ang iyong kasama. Masasabi kung ipinag-isipan ang mga bawat detalye na meron ang bawat sulok ng BGC Hostel.
Ikaapat rason kung bakit...
Isa sa mga masasabi kung importante sa buhay natin ngaun ang WiFi. Hindi naman lahat ng hostel may wifi sapagkat alam naman natin ang dahilan dahil hindi naman pangmatagalan ang pagstay ng kanilang guest ngunit subalit sa BGC Hostel meron at sulit na sulit sapagkat mabilis ang kanilang wifi kahit na sabihin natin na madami kaming gumagamit sa lugar na ito. Liban pa dito mayroon silang internet area cafe kung saan pwede mong gamitin sa gusto mo. So saan ka ba sulit ang bawat pagstay mo.
Ikalimang rason kung bakit...
Ang huling rason ang silid at ang liguan. Isa sa mga importante din sa isang hostel ay ang privacy mo sa iyong silid masasabi ko na meron dito sa BGC Hostel sapagkat meron naman kurtina sa bawat higaan ninyo at liban pa dito may sariling ikaw pa. Meron din silang locker area kung saan doon mo pwede ilagay ang ilan sa mga importanteng gamit mo, huwag kang mag-alala kasi meron naman susian ang locker so safe na safe ang iyong gamit. At higit sa lahat syempre kailan ka maligo hindi ba importante din ang liguan malinis at tutyal ang kanilang liguan sapagkat may shower na hot at cold.
Kaya naman bilang isang season traveller masasabi ko na swak na swak sa bulsa, sa paligid at sa amenities ang BGC Hostel na ito. Kumbaga sa isang rekado ay pasado!
Para sa iba pang mga impormasyon maari lamang tumungo sa kanilang opisyal na facebook account na https://www.facebook.com/bgchosteldorm o hindi naman kaya email sila sa bgcboutiquehostel@yahoo.com o kaya tawagan sila sa (02) 822 7514.
So paano kita-kits tayo sa BGC Hostel sa susunod ko na patungo dito, malay mo magkita pa tayo at magkaroon ng masarap na kwentuhan!
Para sa ibang larawan ng BGC Hostel - Makati tumungo lamang sa opisyal facebook ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment