5 Reason to watch Katips : Ang Mga Bagong Katipunero
Isa sa mga inaabangan ng mga estuyante at maging ang mga mahilig sa teatro ang bagong produksyon ng Philippine Stagers Foundation, ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero.
Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa Philippine Stagers Foundation aminin natin o hindi ay talaga naman laging bockbuster ang kanilang palabas sa iba't-ibang mga lugar o paaralan na kanilang pinupuntahan. Kamakailan lamang ay naging saksi ako sa galing at husay na kanilang ipinamalas dahil sa magandang at makabulugang pagsasabuhay ng mga tao sa naganap na pangyayari noong Batas Militar ni dating pangulog Ferdinand Marcos, Sr.
Philippine Stagers Foundation, Katips : Ang Mga Bagong Katipunero |
Tara samahan mo akong kilatisin ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero kung bakit nga ba dapat bigyan ng pansin ang produksyon na ito sa dinami-dami ng mga teatro ngaun sa bansa,
Limang Rason Kung Bakit Kailan Mo Panoorin ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero.
Karapat ng bawat tao paglabas ng saloobin (Ang Mga Bagong Katipunero) |
1. Isa sa mga karapat na nawala sa atin noong panahon ng Batas Militar ay ang karapat magpahayag o sumulat laban sa goberyo. Sapagkat noong panahon ng Batas Militar ay hindi ka pwedeng magsalita o umalma sa gobyerno. Kung gagawin mo ang bagay na iyon itak na bukas o sa susunod na araw ikaw ay isang malamig na bangkay na o hindi ka na makikita pa.
"Subersibo" : Isang awit na tumatalakay sa kalayaan ng pagpapahayag Katips : Ang Mga Bagong Katipunero |
2. Isa sa mga gustong gusto ko sa palabas na ito ay ang musika na meron sila, isang musika na talaga naman magiging LSS ka sa iyong paglabas ng teatro. Paano naman hindi kung isa sa mga magagaling a musikero at manunulat ng musika na sir Pipo.
The Marcos Supportters Katips : Ang Mga Bagong Katipunero |
3. Ang bawat karakter na iyong makikita o matutungayan ay isang totoong karakter noong panahon ng Batas Militar. Ngunit kung iyong papansinin o aaralin mabuti ay meron pa ring mga ganung mga tao, Isang atong ipinaglalaban kung anu ang tama at ikakabuti para sa bayan.
Confrontation of the Metrocom officer (JP Lopez) and the Katips |
4. Kung nanamnamin mo ang bawat eksena ng Katips : Ang Mga Bagong Katipunero dito marerealize na kung gaano kaswerte tayo ngaun sapagkat malaya tayong gawin ang bawat naisin natin ng walang masamang mangyyari sa atin. At makikita mo dito kung gaano pinahirapan ng mga MetroCom ang mga umaaklas at lumalaban sa gobyerno.
Ang paghihrap |
5. Walang boring parts sa bawat produksyon. Literal na walang boring kasi bawat eksena ay dapat mong namnamin at tutukan sapagkat ang bawat eksenang iyong makikita ay andoon ang mga kahalagahan ng isang tao, Mula sa goberyo hanggang sa simpleng mamamayan.
Narito ang ilan sa mga highlights ng Katips : Ang Mga Bagong Katipunero
Kahit sabihin natin na tapos ang madilim na kaganapan na ito sa ating bansa ay hindi dapat kailan man itong kalimutan sapagkat kung hindi dahil sa Batas Militar ay hindi natin alam kung saan na nga ba tayo patungo ngaun. Aaminin ko na may mas eksena na hindi ko alam at patuloy ko pa rin inaaalam hanggang sa ngaun sapagkat alam ko sa sarili ko na ang bawat ipinaglalaban ay hindi dapat kaian man umihinto sa nakaraan.
Mapapanood ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero sa buong taon ng 2016 hanggang Marso ng 2017. Ito ay ipapalabas sa iba't-ibang mga venues katulad ng school o theater houses.
Para sa iba pang ga impormasyon tumungo lamang sa kanilang opisyal na site http://www.philstagers.8m.com/ o hindi kaya tumungo sa kanilang official social media account
Facebook Page : Philippine Stagers Foundation
Twitter: @philstagers
Instagram : @philippine_stager
So paano hanggang dito na lamang ako. Sana mapanood mo din ang Katips : Ang Mga Bagong Katipunero para malaman mo kung gaano nga ba kahalaga ang kalayaan.
Comments
Post a Comment