Brillante Mendoza: A Contemporary Filipino Filmmaker

Brillante Mendoza: A Contemporary Filipino Filmmaker
Sabi nila makikita mo ang isang haaga ng bansa o ng isang lugar base sa isang pelikulang pinapanood mo gawa mismo ng bansa na ito, isa sa mga mahusay at magaling na film maker ng bansa ngaun ay si Brillante Mendoza. Alam naman natin na kamakailan lamang ay nanalo ang kanyang obra maestra sa isang sikat na hollywood film awards kung saan nakuha ni Ms. Jacklyn Jose
ang pinakamataas na parangal na best aktress. Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit si Brillante Mendoza ang napiling itampok ng METROPOLITAN MUSEUM OF MANILA sa kanilang 40th founding anniversary kung saan makikita dito ang iilang mga likhang gawa ni Brillante Mendoza mula sa kanyang pelikulang Serbis hanggang sa Ma' Rosa.

Brillante Mendoza talks about life and film 

Sa nasabing selebrasyon ng METROPOLITAN MUSEUM OF MANILA hindi lamang yun iyong matutunghayaan sapagkat magkakaroon din sila ng workshop o conference patungkol sa pelikula at ang kahalagan nito sa ating kasaysayan at bansa. Natanong din namin ang pamunuan ng  METROPOLITAN MUSEUM OF MANILA kung bakit nga ba talaga si Brillante Mendoza ay napili sa dinadami dami ng film makers sa atin, ayun mismo sa kanila si Brillante Mendoza ay ang bagong mukha ng contemporary arts and cinema ngayon kung saan ito ang sinusulong ng MET Manila liban pa dito.
One of the film of Brillante Mendoza in MET Manila
At dahil naroon na rin lamang si Brillante Mendoza ay natinanong na sa kanya kung anu nga ba ang bago niyang proyekto, ayun kay Brillante, "I have a next film will be shown in Tokyo Film Festival titled Shiniuma its means white horse, its shoot at Japan, its a short film."

Narito ang kumpletong video coverage sa Brillante Mendoza: A Contemporary Filipino Filmmaker


Exciting hindi ba? Paano pa kaya kung napanood mo na ang kanyang mga pelikula na makikita mo sa MET Manila.

Kaya naman kung ako sa iyo pumta na sa MET Manila at namnamin, kilalanin at palawakin mo ang sariling sining natin.

Ang entrance ng MET Manila ay 100 pesos lamang at 20 pesos para sa film showing.

Para sa iba pang mga impormasyon ng Brillante Mendoza: A Contemporary Filipino Filmmaker tumawag lamang sa (02) 708-7828 or email info@metmuseum.ph.

Comments

Popular Posts