SHIFT : The iACADEMY Talent Showcase

Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan yan ang isa sa mga sikat na kasabihan na iniwan ng ating mgaling na bayani na si Gat Jose Rizal.

Tama nga naman ang kasabihan na iyon sapagkat alam naman natin ang kabataan ang magiging susunod na leader ng lipunan at kung saan dito nila napapamalas ang kanilang aking galing mula sa kanilang mga natutunan sa mga napiling paaralan, hindi ba?

Bakit ko nga ba ito nasabi at anu ang kinalaman nito sa aking gagawin akda, simple lamang sapagkat noong nakaraang Sabado naimbitahan ang inyong lingkod upang saksihan ang isang exhibit ng isang kilalang la academia o mas tamang sabihin na iACADEMY.

Anu nga ba ang iACADEMY?


Ang iACADEMY ay isang pamantasan kung saan kung andito ang ilan sa mga bago at modernong pag-aaral para sa makabagong teknolohiya katulad na lamang ng Computing, Business at Design.

Simulan natin sa Computing sakop nito ang mga sumusunod na kurso Bachelor of Science Computer Science Major in Software Engineering, Bachelor of Science in Game Development at Bachelor in IT Major in Web Development.

Sa Business sakop naman niya ang Bachelor of Science in Business Administration : Financial Management at Bachelor of Science in Business Administration : Marketing & Advertising.

Syempre ang paborito ko at ng ilang mga kabataan ngayon ang Design, sakop ng Design an mga sumusunod Bachelor of Science in Animation, Bachelor of Science in Multimedia Arts & Design at ang pinakaunique sa School of Design ay ang Bachelor of Science in Fashion Design & Technology.

Isa sa mga gusto kung dahilan kung bakit ako ko tinanggap ang paanyaya na ito sapagkat hilig ko ang mundo ng multimedia arts na sana kung bibigyan pa ako ng pagkakataon ay aaralin ko ito n lubusan kahit na hindi ako marunong sa ilang bagay.

On the spot
Isa sa mga napansin ko sa araw na iyon ang paggawa ng isang drawing board o mas kilala bilang Cintiq isa ito sa mga pinagmamalaki ng iACADEMY at syempre andito na rin lamang ako ay nabigyan ako ng pagkakataon upang makadaupang palad ko ang President at CEO ng iACADEMY na si Vanessa Tanco nagulat ako sapagkat ang bata pa niya upang maging isang President at CEO ng ganitong kompanya. Pero sabi nga nila wala naman sa edad yan kundi nasa tyaga at abilidad ng isang tao.

Tara simulan natin tuklasin ang ilan sa mga mahuhusay na obra ng mga mag-aaral ng iACADEMY.

Bago magsimula ang programa nagbigay mula ng maikling talumpati ang President at CEO na si Ms. Vanesssa Tanco patungkol sa iACADEMY at ang kahalagahan ng kabataan patungo sa modernong panahon.

Namili lamang ako ng naging TOP 5 SHIFT : The iACADEMY Talent Showcase base lamang ito sa aking obserbasyon.

 Gusto ko kung paano niya ginawa ng bagay na ito sapagkat akmang-akma ito sa panahon ngayon lalo-lalong na sa mga kabataan.

Batman
 Isa sa mga paborito kung karakter simula pa ng bata pa lamang ako.

 Dito ako natuwa sapagkat ang ganda ng kanyang pagkakagawa at hindi lamang yun parang siyang 3D kung titignan mo ng mabuti.

 The Animal Land (nakalimutan ko ang tamang pamagat, pasenya na)
Gusto-gusto ko ito sapagkat binigyan niya ng kakaibang konsepto ang mga hayop.

 The Pirate
Nacutetan ako dito, naalala ko bigla ang One-Piece sa obra na ito.

Ito ang isa sa mga pinagmamalaki ng iACADEMY, ang Fashion Technology kung saan pinagsasama nila ang traditional na paggawa ng mga damit at ang teknolohiya. Isa ito sa mga halimbawa. 

Isa sa mga pinagmamalaki ng Fashion Technology department ay ang partnership nila sa isa sa mga top rating fashion reality tv show ng ETC ang Project Runway Philippines kaya naman dapat ninyong abangan kung paano pagsasamahin ang fashion at technology sa palabas na iyon.


Mga bagay na natutunan pagkatapos ng exhibit.

Lahat ng bagay nagbabago maliban na lamang sa salitang pagbabago, oo naman sang-ayon ako sa kasabihan na ito lalong-lalo na sa edukasyon sapagkat alam naman natin ngayon na mabilis na ang takbo ng pahanon at kailangan marunong kang sumabay sa agos. Isa ang iACADEMY sa mga sumabay sa agos ng panahon sapagkat nabibigyan nila ng halaga ang mga pag-aaral nila dito at sinisigurado nila na mag-eexcel sila sa mga napili nilang mga landas. Ang isa sa mga natutuwa ako dito ay ang mga maestro nila sapgkat updated din sila sa mga bagong labas na APP kumbaga hindi sila yung mga tradisyonal na maestro na  nakafocus lamang sa nakaraan, sa madaling sabi ay alam nila kung anu ang in at out sa mundo ng teknolohiya.

Muli isang maraming salamat sa iACADEMY para sa isang masayang exhibit hanggang sa muling pagkikita iACADEMY.

Para sa iba pang mga impormasyon patungkol sa iAcsdemy maari ninyo lamang bisitahin ang kanilang opisyal na social media network.

Website : www.iacademy.edu.ph 
FB fanpage : www.facebook.com/iACADEMY

O maari din silang tawagan sa kanilan opisyal na numbero na (02) 8897777  

Comments

Popular Posts