Books for a Cause : Munting Aklatan No. 1

Sabi nila ang bawat pagbabasa ng aklat ay parang isang panonood din ng isang palabas sa sinehan o maging sa telebisyon, bakit kamo? Sapagkat mas pinapagana nito ang iyong imahenasyon sa bawat pahina iyong binasa at dinadala ka nila sa mundong nais mong puntahan.

Kaya naman para sa bayan ng Barangay Marites Del 96, Pateros, Manila ay nagkaroon ng isang community library kung saan katuwang nito ang mga sumunod Rotary Club Metropolitan Pateros, Goods.PH and Brgy. Martires. Kung saan sila ang kauna-unahang Community Library na binigyan ng Books for a Cause.

Kaya naman nag-imbitahin ako ng goods.ph para sa kanilang munting charity ay kaagad akong tumugon dito sapagkat namiss ko rin ang ganitong klaseng aktibidadis kung saan tumutulong ka sa isang kumunidad sa abot ng iyong makakaya hindi ba?
Ang aktibidades na iyo ay naganap noong March 26, 2015 sa Barangay Marites Del 96, Pateros.

Anu nga ba ang Books for a Cause? Ayun mismo sa kanilang organizer na si Sir Ramil E. Sumangil, "An advocacy that aims to provide precious knowledge to every Filipino and increase literacy through continuous learning. Mission: To help inculcate in their minds that POVERTY is not a hindrance to a better future but a CHALLENGE, and that WHAT THEY THINK IS WHAT THEY BECOME!"

Narito ang ilan sa mga napakasayang kaganapan sa Books for a Cause : Munting Aklatan 1.

 Ms. Roselle isa sa mga kasama blogista na nakita saya at nagkipagkwentuhan kasama ang mga batang Pateros.

 Si Teacher Angel naman ang sumunod na sumalang para sa isang masayang story telling.

 Preparasyon para sa mga batang Pateros.

The official inaugration of the Community Library kasama ang mga butihing mga sponsor na sina  Rotary Club Metropolitan Pateros, Goods.PH

Official turn-over of the some books to the barangay day care center.

Natuwa ako sa bawat pangyayari sa araw na ito kahit na medyo nakakapagod ngunit sulit na sulit naman sapagkat alam mo sa iyong sarili na ang bawat librong kanilang babasahin ay magpapasaha sa kanilang karunugan at magbibigay sa kanila ng bagong inspirasyon.

Kaya naman kung may mga aklat ka na hindi mo na nagagamit aba'y idonate mo na yan sa Books for a Cause, hindi lamang isa ang makakabasa niyan kundi ang isang malaking komunidad mismo.

Tumungo lamang kayo sa kanilang opisyal na website na  http://www.booksforacause.net/ para sa ibang mga detalye patungkol sa kanilang gawain.

Muli nagpapasalamat ako sa isang kaibigang Don Garcia at sa Goods.Ph para sa pag-imbita sa isang masayang event na ito.

Para sa iba pang mga larawan maari lamang kayo tumungo sa opisyal na fanpage ng AXLPPI Books for a Cause

Comments

Popular Posts