Expect something different in Manhid Pinoy Superhero Musical


Tao nga ba ngayon ay MANHID??? Tao nga ba ngayon ay MANHID???  Isa yang linyang pupukaw sa inyong damdamin sa simula ng act 1 ng Manhid Pinoy Superhero Musical ng Ballet Philippines kung saan tinatalakay nila ang kahalagahan ng isang tao sa isang lipunan o bansa. Ang kwentong Manhid ay isang kwento ng kasarinlan o mas tamang sabihin ng kabayanihan. Isang kabayahinan na nagbibigay ng halaga sa isang lipunan na may pakialam sa bawat galaw ng kapaligiran. Sa madaling sabi ang kwento ito ay isang kwento na naging fictional sapagkat ibinatay sa pangyayari sa atin bansa noong panahon ng Martial Law kung saan ang ilan sa mga kabataan noon ay wala gaanong pakiaalam. Sapagkat mas binibigyan nila ng halaga ang kanilang sariling kapakanan kaysa sa bayan.

Tara samahan mo akong bigyan ng pansin ang Manhid Pinoy Superhero Musical 

Biglang isang tagahanga ng teatro alam mo sarili mo na ang bawat palabas na iyong papanoorin ay mahalaga at binigyan ng oras upang ihatid sa mga manonood kung anung ibig nilang iparating sa kanilang ginawang dula. Ang Manhid ay palabas na maselan, mabigat, masaya at higit sa lahat pagbibigyan mo ng halaga ang bawat eksena na iyong maiibigin.

Sandino Martin bilang Bantugan
Di ko lubos maisip kung paano nila napagsabay ang ballet sa isang tradisyonal na dulaan kung tutuusin mahirap gawin yun sapagkat alam naman natin lahat na ang ballet ay isang klaseng sayaw na puno ng disciplina kahit ang pagtayo mo pa lang ay kailangan ay perpekto. Kaya naman habang pinapanood ko ito ay medyo nadismaya ako ng kaunti sapagkat iilang porsyento lamang ang nakita ko na ballet at halos lahat ay isang musical na talaga ang naganap ngunit subalit dahil nga ito'y isang musikal ay nabigyan naman nila ng husay at maayos napaglalahad ng bawat kwento ng karakter nila. Bibigyan ko ng pansin si Sandino Martin bilang Bantugan kung saan ay ito ang kanyang kauna-unahang pagsabak sa mundo ng teatro anung naging reaksyon ko sa kanyang pagarte? Nakulangan ako marahil siguro ang expect ako ng kanyang akting na ibibigay niya ito ng lubos sapagkat napanood ko siyang umarte sa kayang napanalunan na CinemaOne Original na 'Esprit de Corps' kung saan napahanga niya ako sa kanyang pag-arte doon ngunit dito sa Manhid parang naging kontrolado niya ang bawat galaw niya, di niya naprofound ang bawat galaw pero bumawi naman siya sa kanyang piling mga eksena katulad na lamang ang pakikidigma niya sa mga kalaban at di akalain ma mahusay siya sa kanyang pag-awit. Teentin Villanueva bilang 
Jean Marc Cordero bilang Sarimanok
Lam-Ang
, una ko siyang nakita sa mundo ng teatro ay sa palabas na Maxie the Musical kaya naman tumatak siya sa akin sapgakat nabigyan niya ng buhay ang kanyang karakter doon, kaya dito sa Manhid ay naku naaliw talaga ako sa kanya dahil ipinamalas niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa pag-arte kung baga bigay kung bigay. Jean Marc Cordero bilang Sarimanok, isang resident ballet ng Ballet Philippines, sabi nga nila hindi lahat ng sumasayaw ay kumakanta at hindi lahat ng kumakanta ay sumasayaw ngunit subalit nabigyan niya ng hustisya ang kayang karaketer bilang Sarimanok sapagkat nakita mo dito binigya niya at di lamang yun nakinig ko na din siya sa wakas sapagkat kapag pinapanood ko siya sa kanyang mga show sa season ng Ballet Philippines ay puro lamang kumpas ng katawan, congrats Jean sa mahusay na pagganap. KL Dizon bilang Urduja, isa sa mga tumatak na karakter sa akin di ko alam kung bakit marahil dahil ang kwento niya ay patungkol sa isang pag-ibig, isang pag-ibig na anino'y kinikilig sa bawat eksena na pagkikita nila ni Radia Indrapatra (ginaganapan ni Fred Lo) at naghihinagpis sa bawat pagdurusa pagnakikita niya ang kalungkot at paghihirap nito. Isa din sa nagbigay ng marka sa akin ay ang pag-awit niya ng Diwata ng Gabi na nagpaLSS (last song syndrome) sa akin hanggang sa pag-uwi ng bahay ay nadala ko.

Ito ang pahamyaw na lyrics ng Diwata ng Gabi....

Diwata ng gabi,
Naglikha
Ikaw ang aking panagimpan
Pangako ng alamat.......

Radia Indrapatra and Urduja 
Bago ko makalimutan kung napanood muna ang Fifty shades of grey mas dapat mong abangan ang Manhid sapagkat maraming mga eksena na magbibigay sa iyo ng kakaibang mga pakiramdam lalo na sa pagiibigan nila Urduja at Radia Indrapatra.

Isa sa mga nagbigay ng buhay sa dulaang ito ang musika kung saan isa sa mga original na sumulat ng kanta ay ang bandang Eraserheads at sa version ngayon ay tinugtog naman ng Radioactive Sago Project.

Sabi nila maraming naging aberya sa palabas kasama an ang sound, lighting, video at musika pero kung susumahin mo naman ang kabuuang ng palabas masasabi mo pa rin na naitawid nila ang mensahe na nais nilang iparating sa mga manonood, hindi dahil maganda ang katawan, ang musika ng Eraserheads o ng stage production kundi may laman ang palabas.

Bibigyan ko ng gradong 3 / 5 ang dulaang ito.

Bago ang lahat papasalamat ko si Mr. Paul Alexander Morales sa mahusay na pagdirek nitong dulaan at sa pagbuhay ulit ng kwento ng Manhid kung saan una ito itinampok sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1991.

Para sa iba pang mga larawan ng Manhid tumungo lamang sa opisyal na facebook AXLPPI.

Comments

  1. Ang pogi ng boses ng Bantugan :D and super lss ako sa diwata ng gabi and higit, yun eh kung tama ang title ko :P

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts