Ballet Manila's Anniversary Concert : Not Just An Ordinary Ballet Show

Don't blink your eyes because once you do that, you will miss half of your life in the mesmerizing anniversary concert of Ballet Manila. 

Bilang isang manunulat sa mundo ng teatro ay di ko lubos maisip kung anu pa nga ba ang hahanapin ko sa isang palabas matapos kong matanood ang isang mahusay, dekalidad, pino at higit sa lahat puno ng disiplinado na sayaw. Ang konserto na aking pinanood kahapon ay ang Ballet Manila's Anniversary Concert kung saan ipinamalas nila ang ilan sa mga mahuhusay at world class na palabas na Paquita, Balcony scene of Romeo and Juliet, Bloom, Tara Let's, After the rain and ang nagbigay ng standard sa akin para sa isang ballet show ang Ecole.

Noong nakaraang Press Preview Ballet Manila ipinasilip nila sa amin kung anu nga ba ang mga dapat abangan sa kanilang 20th Anniversary,kaya naman noong bumukas na ang pulang telon ayun na tumayo na ang balahibo ko, hindi ko mawari kung dahil masyadong malamig lang ba sa loob ng Aliw Theater o dahil nabighani ako sa husay at galaw ng mga ballerina at ballerino nila. Bawat kumpas ng mga kamay,paa at katawan makikita mo kung gaano nila pinaghandaan ang isang maikling preview na yun pala sa aming manonood kaya naman naexcited ako sa kanilang World Premiere at higit sa lahat nabitin ako sa bawat palabas.

Kaya naman nitong Sabado Pebrero 28, 2015 sa ganap na 8:00 ng gabi, ito na ang pinakahihintay ng lahat ang Ballet Manila's Anniversary Concert, World Premiere kung saan ihahain na sa manonood ang mga eksenang magbibigay sayo ng kakaibang pakiramdam at bubusog sa iyong mga tao.

Tara samahan mo ninyo akong bigyan ng pansin ang bawat mga magagandang mga eksena sa 20th Anniversary concert ng Ballet Manila.

Nagsimula ang palabas sa isang maganda at tradisyonal na ballet ang Paquita. Sa mga di nakakaalam ang Paquita ay isang traditional at powerful piece ng ballet na nagmula sa Russian Vaganoza. Kaya naman habang pinapanood ko ang Paquita nararamdaman mo na nadadala ka sa kanilang sayaw, isang sayaw animo punong-puno ng disciplina sa katawa. Kaya naman pasasalamat ko si Mr. Marius Petipa sa mahusay na pagkakachoreograph at sa musika naman ni Ludwig Minkus.

Balcony Scene from Romeo and Juliet 
Isa sa mga mabigat na eksena ng Ballet Manila ang Balcony scene nina Romeo at Juliet na ginampanan nina Christine Rocas at Rory Hohenstein. Alam naman natin siguro kung anu ang eksena na yun kung nabasa ninyo ang libro hindi ba? Pero dito sa Ballet Manila, hindi na nila kailangan pang magsalita sapagkat ang bawat galaw at kumpas ng kanilang mga katawan madaramdam mo ang lungkot, pighati at saya na nararamdaman nina Romeo at Juliet.

After the Rain 

Ang sensual ballet dance na kung saan nagbigay ng kakaibang pakiramdam sapagkat isa itong maemosyonal na pagsasayaw kung papakinggan mo mabuti ang musika talaga naman madadala ka nito. Kaya babatiin ko din sina Christopher Wheeldon sa mahusay na choreograph at Arvo Part para sa kakaibighaning musika ng After the rain.

Bloom (World Premiere) 

Mesmerizing, full of passion and sensual!!!  Yan ang nasabi ko pagkatapos kong makita ang buong sayaw ng Bloom, isang sayaw na nagbibigay sayo ng kakaibang kilabot dahil di sa nakakatakot ito kundi isang magandang sayaw na nagbibigay saya sa iyong puso.

At nagamit ng husto ni Madam Annabelle Lopez Ochoa ang lahat ng lalaking mananayaw ng Ballet Manila na kung saan nabigyan ng isang magandang exposure ang lahat ng ito. Isa sa mga naaliw ako ay ang isang para silang naging reflection ng isang salamin dahil sa mahusay ay sabay-sabay na paggalaw at pagkumpas ng kanilang mga katawa. Bloom gives me the different respective of Ballet interns of  male performer. At isa pa di lamang isang ordinaryong kwento ang Bloom sapagkat isa itong kwento sumasalamin sa isang pighati, ganda at tamis ng isang kwentong walang kasarian (base lamang sa akin interpretasyon). At ang higit na nagbigay ng highlight sa Bloom ay ang pagbasak ang mga talulot (mas kilala bilang petals) mula sa itaas habang nagsasayaw ang isang magandang ballerina.

Tara Let's 

Taralets tara tara taralets...... One of the best opm song na ginawa ng bandang Imago, sino nga ba ang di alam ang kantang yan. Kaya naman binigyan ng buhay ng Ballet Manila ang kantang yan sa saliw ng sayaw ng ballet.

Sobrang akong naamaze sa pagkagawa nila ng dance step nito at nakikita mo pa rin ang grace ng ballet kahit na sabihin natin modern ang kanta. Kaya naman bibigyan ko ng isang malakas na palakpak si Gerardo Francisco sa mahusay na pagchoreo nito. Lahat ng tayo sobrang lively habang pinapanood ito. Kaya naman no doubt kung bakit napili ito para iperform sa APEC delegates noong nakaraang Disyembre.

Ecole



Bring back memories..... Yan ang nasabi ko pagkatapos kong mapanood ang para sa akin ang pinkahighlights ng Ballet Manila Anniversary Concert, sapagkat ang Ecole ang isang kwento di lamang ng isang mananayaw ng ballet kundi isang kwento kung paano nga ba nabuo ang isang konsepto na nagsimula lamang sa isang maliit na grupo at nangarap ng nangarap kaya naging isang malaking tagumpay.

Ang Ecole ay sumisimbolo di lamang ng ordinaryong sayaw sapagkat may puso, may passion to desire.... Isang desire na kailangan perpekto, di lamang sa iyong sarili kung hindi sa lahat. Isang sayaw na aninoy napakadaling sabayan ang ritmo ngunit subalit kung titignan mo ang mga kumpas ng mga katawan ng mga mananayaw makikita mo dun sa salitang  "wag kang kukurap" sapagkat may mga kumpas na di mo mapapansin ng husto kung malilingat ka ng kaunti.  Kaya naman di ako nagtataka kung bakit ito ang napiling closing ng Ballet Manila dahil sa ganda ng pagkakagawa. Ang lumikha ng sayaw na ito ay walang iba kundi ang Ballet Master na si Osias Barroso kung saan ay unang isinayaw ito noong 1999 sa Ballet Manila School.


Ballet Manila is one of the best ballet organization not just in the Philippines but in the world. No doubt kung bakit nila narating ang 20yrs na ito na kung saan nagsimula lamang sila sa isang simple pangarap na naging totoo. Isa sa mga the naging highlight ng gabing iyon ay ang pagsama-sama ng mga founding member ng Ballet Manila (12 founding member). Kaya muli isang masayang pagbati at marami pang taon na darating para sa Ballet Manila. Kampay para sa tagumpay ika nga!!

Kagaya ng laging sinasabi ni Prima Ballerina Lisa Macuja-Elizalde, "Let's Bring Ballet To The People And Bring People To The Ballet."

Oh bago ko makalimutan isang mahabang palakpakan na tumagal ng 10 minutes sa pagtatapos ng kanilang palabas. kaya masasabi kung tagumpay ang lahat!


Credit : Two photos credit to my fellow photographer Erickson Dela Cruz‬ 

Comments

Popular Posts