POV : Ang Babaeng Allergic sa Wifi
Hanggang kailan mo ba kayang tiisin ang hindi gumamit ng wifi o ng gadget? O mas tamang sabihin na kaya mo ba walang gadget sa loob ng isang araw o linggo? Naku malamang hindi lalo na sa panahon ngaun na isa na ito sa mga kailangan ng tao upang mas mapadali ang pag kuha ng mga impormasyion na kailangan natin ngayon.
Ngunit paano kung isang araw magkasakit ka at ang dahilan nito ay ang sobrang mong paggamit ng wifim bibitawan mo ba ito at pagpapakalayo para gumaling ka ng husto sa sakit na ito? Iyan ang isang simpleng kwento ng "Ang Babaeng Allergic sa Wifi" na sinulat na dinerek mism ni Jun Lana.
Isang kwento na sasalamin hindi lamang patungkol sa teknolohiya kundi na rin sa iyong pagkatao at iba pang aspeto nito tulad ng pag-ibig. Noong una ko nakita ang trailer nito sa facebook nacurious na agad ako sa kwento nito at maliban pa dito ay muli ko naalala ang isang pelikula na ginawa noong ng Nestle ang "Unplugged" kung saan tumatalakay ito patungkol din sa kahalagaan ng simpleng manunuhay at hindi kailangan laging nakakamit sa modernong kumunikasyon.
At ito na nga napanood ko na siya ng buo noong naimbitahan ako para panoorin ito kasama ng iba pang mga bloggers nitong nakaraang araw lamang,
Simula pa lang ng sequence nito nararamdaman mo na magiging malungkot pero masayang paglalakbay ito mula sa mga bidang sina Sue Ramirez bilang Norma, Jameson Blake bilang Aristotle 'Aris' Miller at Markus Paterson bilang Leo. Lalo na nagkaroon ng munting tula nainaalay nya sa taong mahal nya alam mo ung ganun pakiramdam na masaya pero kailangan tanggapin mo na lang.
Narito ang aking 5 reason kung bakit nga ba dapat panoorin ang kwento ng "Ang Babaeng Allergic sa Wifi"
1. Kakaibang kwento na sumasalamin sa realidad ng teknolohiya katulad na lamang ng mga advantage at disadvantage nito lalo na sa panahon ngayon kung saan laganap na ang maling impormasyon o mas kilala bilang fake news.
2. Mas masarap pa rin talaga makatanggap ng isang bagay na mula sa puso at pinaghihirapan ng husto, ika nga nila sa isang eksena doon kung gusto may paraan para makausap mo ang isang tao na hindi kailangan pa ng isang modernong teknolohiya.
3. Sa pelikulang ito dito malalalaman kung sino o mas tamang sabihin na paano nga ba magmahal ng totoo o kung hanggang saan nga ba kaya mong ibigay sa pag-ibig.
4. Ang promising ni Markus Paterson dito lalo na kung saan kaeksena nya sa huling sequence si Jameson Blake.
5. Mamahalin mo ang bawat tao sa paligid mo sapagkat minsan alam natin sa sarili natin na nakakainis na at hindi naman dapat pero ung mga tao sa paligid mo ang totoong nagmamahal sa iyo lalo na kung andun sa na sa punto ng buhay na hirap ka na. Katulad na lamang ng iyong pamilya na minsan naiinis ka na sa paulit ulit na paalala sa iyo pero ang paalala na iyon ang syang magpaparealize sa iyo kung gaano sila sa importante sa buhay mo.
So paano hanggang dito na lang kaya naman dapat abangan mo itong Ang Babaeng Allergic sa Wifi sa pinakamalapit na sinehan sa iyo sapagkat alam ko magugustuhan mo ito, hindi lamang ito kwento ng isang Generation Z o ng isang millenials kundi ito ay kwento mo rin.
Ang Babaeng Allergic sa Wifi ay parte ng Pista ng Pelikulang Pilipino na tatakbo simula August 15-21, 2018.
Comments
Post a Comment