Filipino Visual Artist Luis Yee Jr. reveal his story through Tanghalang Pilipino Balag At Angud


Muli na naman nagbabalik ang Tanghalang Pilipino para sa taong ito, nakakapanabik ang kanilang pasabog sa 32nd  season production dahil ang unang produksyon na ipapalabas nila ay isang musikal at  patungkol sa isang buhay ng isang  protest installation artist na si Luis Yee Jr. o mas kilala bilang Junyee.


Ang pamagat ng dulang kanilang gagawin ay "Balag At Angus" na sinulat ng isang mahusay at Palanca Award-winner na si Layeta Bucoy.


Ayun na mismo sa Tanghalang Pilipino ang dulang ito ay hindi lamang sumasalalim sa buhay ni Junyee kundi pati na rin sa lahat ng uri ng indibidwal sapagkat bawat sa atin ay dumanas din mga pagsubok sa buhay, sumasalalim din ito sa pamilya kung saan doon dapat nagsisimula ang suporta para mas lalo kang mahasa sa iyong gustong tahakin na landas at syempre higit sa anu pa man sa ating sariling bayan na alam naman natin na ang dami daming nagaganap na hindi mo na alam kung sino nga ba ang papaniwalaan mo.

Junyee
Narito ang listahan ng mga cast ng Tanghalang Pilipino Layeta Bucoy's Balag at Angud.


Rody Vera bilang Junyee
Paw Castillo bilang Binatang Junyee
DM Garcia bilang Batang Junyee
Bayang Barrios bilang Musa
Krystle Campos bilang Batang Musa
Mia Bolaños bilang Felisa
Zoe delos Santos bilang Teresa
Astarte Abraham bilang Tesa
Noe Morgado bilang Napoleon Abueva
Jonathan Tadion bilang Luis


Balag at Angud ay magsisimula na sa darating na Agosto 31 hanggang September 16,2018 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Tanghalang Aurelio Tolentino ( CCP, Little Theater) 3pm at 8pm.

Ticket ay nagkakahalaga lamang ng 1000Php para sa VIP at 800Php naman para sa Orchestra Side.

Kaya anu pa nga ba ang iyong hinihintay pareserve na ng tiket kina Juan Lorenzo Marco sa numerong 09998843821 o hindi naman kaya kay Lorelei Celestino sa numberong 09156072275. Maari din naman bumili sa Ticketworld online o hindi kaya CCP Box Office.

So paano asahan ko ang iyong pagdating sa ilan sa palabas ng Balag at Angud.

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa opisyal na facebook page

www.facebook.com/teatropinas
www.facebook.com/axlpowerhouse

Comments

Popular Posts