Mangan Ta Na : Experience Paradise Dynasty


Sabi nga nila madaming pagkain na nagmula sa bansa Tsina na gustong gusto ng mga Pinoy katulad na lamang ng pansit, siomai, sopao at iba pang mga katulad nila na kung saan ay bawat sulok na ata ng Pilipinas ay makikita na ito lalong-lalo na sa Binondo.

Pero paano kung ang ibang pagkain na nagmula sa Tsina ay dinala na dito at nabigyan pa ng kakaibang twist at mas lalong sumarap pa lalo, aba'y syempre ibang usapan na iyon hindi ba? Lalo na ngaun na ang dami-dami na rin mga naglalabasan kakaibang mga putahe para sa madla.


Kaya naman naisipan ko bakit hindi ko subukan ang ilan sa mga bagong restaurant dito sa Manila at iyo ay walang iba kundi ang Paradise Dynasty. Akala ko ung unang na mahal ang mga serving ng mga pagkain nila dito pero hindi naman pala kung baga sakto sa barkada kasi naman ang ilan sa mga nasa menu nila ay good for 2-3 persona doon pa lamang alam mo na sulit ang pagpunta mo sa Paradise Dynasty kaya naman hindi na ako nagtataka pa kung bakit isa ito sa mga narecomdemda sa akin ng mga kaibigan ko na subukan.

Tara samahan mo ako kilatisin ang ilan sa mga menu ng Paradise Dynasty at kung masarap nga ba itong balikan katulad ng mga ibang restaurant sa paligid nito.

Narito ang aking tatlong naging paborito sa Paradise Dynasty.

Isa sa mga naging paborito ko sa Paradise Dynasty ay walang iba kundi ang Crispy-fried Crystal Prawns tossed with Salted Egg Yolk na bago pa magsimula ang hype ng mga salted egg yolk ay meron na nyan sa Paradise Dynasty, no wonder kung bakit naging isa ito sa naging blockbuster nila.


Ung tipong akala mo na simpleng salted egg yolk lang ung mararamdaman mo sa dila mo ung pala hindi lang yung parang may kaunting after taste sya na mas masarap lalo. Marahil isa yun sa dahilan kung bakit blockbuster ito.


Dahil nga blockbuster ang ganitong klaseng menu nila aba'y syempre meron pa silang ibang klaseng salted egg yolk type na food na talaga mapapawow ka na pwede palang gawin ang ganun kahit simpleng lang syang tignan sa una pero ika nga nila wag ka huhusga lamang sa panlabas na anyo nito. Anu nga ba ang tinutukoy na pagkain, walang iba kundi ang Salted Egg Charcoal Buns.


Salted Egg Charcoal Buns ay isa sa mga masasabi ko kung naging paborito ko na dito sa Paradise Dynasty dahil ang sarap sobra kasi ung lasa ng buns nito doon pa lamang sulit na sulit na ung binayad mo para dito tas sasamahan mo pa ng isang masarap na feeling sa loob nito na salted egg na nagmemelted sa loob mismo ng dila mo tas may sipa pa sa dulo na mapapawow ka dahil iba ung combinasyon ng dalawa na yun.

Isa pa ung sinerve sa amin ang Salted Egg Charcoal Buns ay mainit pa kaya naman mas nakakagana siyang kanila dahil maramdam mo ung pagmelt sa loob pero syempre hinay hinay lang




Syempre hindi makukumpleto ang pagkain sa isang chinese restaurant kung hindi mo matitikman ang kanilang "xia long bao" na meron 8 flavors na swak sa ito tas sasamahan mo pa ng isang masarap na tea para naman maging balanse ang pagkain mo dito.


Ang kanilang Specialty Dynasty Xiao Long Bao 8 flavors ay nagkakahalaga lang na  388, oh di ba suit na sulit para sa dalawang tao na. Tamang tama ito para sa mga couples na mahilig sa mga chinese food.

Narito ang ilang mga menu ng Paradise Dynasty na pasok din sa panlasang pinoy.

Radish Pastry

Chilled Jellyfish and Seafood in Vinaigrette 

Steamed Glutinous Rice Stuffed in Red Dates 

Scrambled Egg White with Fish and Conpoy

Poached Beef in Szechuan Chili Oil
Over all masasabi ko na aside sa masarap naman talaga ang pagkain ng Paradise Dynasty super bait ng mga staff at ung ambiance na meron sila talaga naman maganda. Syempre hindi lang naman basta pagkain ang importante sa isang restaurant dapat swak at nakakarelaks din hindi ba? Kasi doon mo makikita kung ang isang lugar ay maayos.


Kaya naman babalik at babalik ako sa lugar na ito lalo pa na meron silang dalawang branch. Pero iyong pinuntahan ko ay nasa Podium lang tamang tama ito along EDSA madaling pumunta at ung nasa paligid nito ay business district at syempre baka sa susunod ay susubukan ko ang isa nilag branch sa S Maison Conrad sa may Mall of Asia Complex.

So anu pa ang iyong hinihintay tikman mo na ang mga nakakatakam na pagkain ng Paradisee Dynasty.

Comments

Popular Posts