Mga Importante Dokumento ng Kasaysayan isusubasta sa León Gallery
Sabi nga nila pwede baguhin ng sinong mang historyador ang kasaysayan ng kait sino base sa kanyang pananaw pero hindi maari baguhin nito ang tunay na kwento kung pero isang matinding ebidensya ang kasaysayan, hindi ba?
Kaya naman noong naimbitahan ako sa isang launching ng bagong isusubasta ng Leon Gallery ay natuwa ako ng husto sapagkat prebilihiyo iyon sa isang katulad ko at sobrang galak ko rin naman sapagkat masarap makakita ng mga iba't-ibang mga dokumento ng kasaysayan ng harp-harapan o mahawakan man lamang ito bago papunta sa isang may-ari, hindi ba?
Ang naging tema ng Leon Gallery ay The Magnificent September Auction kung saan isusubasta ang ilan sa mga importanteng dokumento ng kaysaysayan ng Pilipinas katulad na lamang ng Letter of #JoséRizal to Don Alejandro S. Macleod, a Scottish millionaire who thrived in Manila in the late 1880s, Letter from Josephine Bracken Rizal to Emilio Aguinaldo where she introduces an American sympathizer who may be able to help buy arms for the Revolution, “Decalogue” or Ten Commandments of the Katipunan, written by Andres Bonifacio, Katipunan Membership Documents, consisting of five parts, Designs by #JuanLuna, for Officers’ Epaulets (or Shoulder Insignias) from Lieutenant to Captain-General, at iba pa.
Syempre hindi lamang ito ang maaring isubasta sapagkat sa pagkakataon din na ito ay makakasama din ng Leon Gallery ang Museum of Contemporary Art and Design para nakakuha ng pundo para sa kanilang development program sa MCAD.
Kung baga malaking tulong din ito para sa mga susunod na henerasyon na manlilikha ng bayan.
Narito ang ilan sa mga kuhang larawan sa launch ng Leon Gallery "The Magnificent September Auction".
Narito naman ang ilan sa mga art works na maari ninyo rin kunin para sa subasta.
Gaganapin ang subasta sa mismong Leon Gallery sa araw ng 8 September 2018 | 2:00 PM. Para sa iba pang impormasyon pumunta lamang sa kanilang opisyal na website na www.leon-gallery.com
Comments
Post a Comment