POV Movie : You With Me


abi nga nila ang buhay ng isang tao parang isang palabas sa isang sinehan di mo alam kung anung magiging takbo nito yung tipong akala mo okey na ang lahat yun pala bigla na lang na may darating na kakaiba at hindi inaasahan na pagkakataon.

Isa sa mga bagong palabas ngaun sa sinehan ay ang "You With Me" na pinagbibidahan ng Star Magic artist na si Devon Seron sa kanyang unang pagkakataon na siya bibida pagkatapos ng maraming taon nya sa showbiz. Nakilala si Devon Seron noong sya ay pumasok sa bahay ni Kuya kung saan sya ang naging housemate si James Reid at Ryan Bang pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na siya sa mundo ng showbiz ngunit lagi na lamang syang supporting role pero ang swerte niya sa taong ito sapagkat maliban sa leading lady na sya ay makakapareha pa nya ang dalawa sa sikat na korean actor na sya Hyun Woo at Hin Joo Hyung.

The cast of You With Me
Anu nga ba ang istorya ng You With Me simple lang naman isang kwento patungkol sa pamilya, negosyo, kultura at pagmamahal. Ganun la simple pero ang kwento ay may laman sapagkat sumasalamin ito sa isang batang babae na gustong kumawala sa isang konserbatibong pamilya ng mga negosyante pero dahil nasasakal na sya ay tumakas siya at doon nya nakilala ang kanyang sarili at ang kanyang minamahal.

Kung titignan mo ang plot na ito ay masasabi mong gasgas na ito sapagkat ilang beses na rin ito nangyayari sa palabas sa telebisyon o sa pelikula pero natutuwa ako sapagkat binigyan ng kakaibang atake ang ganitong plot ng kanilang direktor kaya naman kudos ako sa kanyang nagawa samahan mo pa ng malinis na ilaw at cinematography mula sa bansang south korea (ang pelikulang ito ay kolaborasyon ng dalawang bansa) kaya naman ang sarap-sarap sa mata ng bawat yugto ng kwento.

Sa mga nagsiganap naman nakakataba ng puso sapagkat ang laki na ng naimprove ni Devon sa pag-akting nya dahil mas buhay na buhay na ang mga galaw at nakikita mo na sa kanyang mga mata na gusto nya ang ginagawa nya liban pa dito ay ang ganda ng rehistro nya sa kamera lalo na sa isang eksena doon na pwede syang mag bida kontrabida. Over-all masaya ako na nag improve sya sa akting nya kahit na sa tone ng boses nya sa akting.

Sa dalawang Koreanong actor naman masasabi ko na may chemistry ang dalawa para sa Devon Seron hindi mana ako avid fans ng Kdrama pero nanonood naman ako kahit paano kaya naman alam ko kung paano ang magiging takbo ng pelikulang ito masasabi ko na hindi naging pilit at kitang-kita mo sa bawat eksena na parang natural na sa kanila ang ganung mga bagay. Isa din sa mga gusto ko sa eksena dito ay yung nalaman na nila kung bakit nga ba naging ganun ang buhay nila ngaun dahil sa kagagawan ng kasalanan noon. Kung saan nagkaroon ng isang hindi magandang trahedya sa kanila lahat.

Kahit na chickflick ang dating ng movie na ito ay madami pa rin aral na makukuha mula sa pagiging accountability mo sa isang bagay at pagiging matured mo lalo na sa mga panahon ngaun na ang bilis bilis ng mga pangyayari hindi ba? Hindi na nag-iisip dito sa movie na ito hindi lamang basta isip ang kailangan gamitin dapat may puso at pag-unawa din sa mga bagay bagay.

Comments

Popular Posts