NUCESO RUN : A HIV and AIDS Awareness Run


Sabi nila bumibilis na daw ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng HIV at AIDS sa Pilipinas lalong- lalo sa mga kabataan ngaun dahil masyadong mapusok at paiba-iba ng mga kapareha.

Pero kung tutuusin o titignan mo ang paligid parang hindi naman ito totoo o maaring ayaw lang tanggapin ng karamihan ang mga ganitong senaryo sa ating lipunan dahil nga konserbatibo daw ang ating bansa. Pero sa aking opinyon mas masarap pag-usapan ang mg ganitong konserbatibong paksa sa tahanan pa lamang sapagkat dito mas magiging malawak ang pag-unawa ng isang tao patungkol sa sakit na HIV at AIDS kung paano ito makakapapekto sa isang tao o sa isang lipunan na kayang ginagalawan.


Kaya naman bilang isang mamamayan ng isang bansa dapat may pakialaman ka din sa mga bagay sa paligid mo lalo't na kung alam mo naman sa sarili mo namakakatulong ka naman kahit sa simple paraan lamang katulad lamang ng isang fun run. Isang fun run na makakatulong para mas mapalaganap pa ang impormasyon kung anu nga ba ang HIV at AIDS.

Ang fun run na ito ay inorganisada ng mga iba't-ibang grupo mula sa haligi ng gobyerno at ng iba pang mga pribadong kumpanya.

Love Yourself
Maliban sa pagtakbo sa fun run na ito ay nagkaroon ng din libreng konsultasyon at testing para sa gustong malaman ang kanilang estado ng kalusugan sa pamamagitan ng grupong "Love Yourself" kaya naman madami rin nakilahok sa booth nila at siya nga pala ang resulta ng testing na ito ay primado ang doktor at ikaw lamang ang makakaalam. Kaya naman safe na safe ka sa magiging ka sa magiging resulta nito.

Kaya naman muli congrats sa lahat ng bumubuo ng awareness fun run na ito. Ang mga nahagilap na pera ng fun run ay mapupunta sa mga kaibigan natin mas nangangailangan ng tulong medikal.

Narito ang ilan sa mga larawan naganap sa HIV and AIDS Awareness Run.

The supporters of HIV and AIDS Awareness Fun Run

Zumba time after the run together with DOH Ased Tayag

The winners of NUCESO RUN : A HIV and AIDS Awareness Run
So paano hanggang dito na lang tayo at kita-kits sa susunod na awareness run campaign hindi lamang patungkol sa HIV / AIDS kundi para sa iba pang bagay..

Comments

Popular Posts