POV : Gantimpala Theater Foundation' Noli Me Tangere "Kanser 2017"
Isa sa mga paborito kung yugto ng nobela |
Isa ang Gantimpala Theater Foundation sa nagbibigay ng magandang palabas sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral sa sekondarya sapagkat ang Gantimpala Theater Foundation ay nagbibigay buhay sa dalawang aklat na nilikha ng Gat Jose Rizal na kung saan nagbigay mulat sa ating mga bayani upang mas maging malakas at ipaglaban ang aking karapatan laban sa mga mananakop.
Isa sa mga intense na dula na patuloy na ginagawa ng Gantimpala Theater Foundation ay ang nobelang "Noli Me Tangere" o mas kilala ng karamihan na "Kanser ng Lipunan" na kung tutuusin hanggang sa ngaun ay buhay na buhay pa rin ang nobelang ito sa panahon ngaun.
Kabanata XII Araw ng mga Patay Noli Me Tangere "Kanser 2017 |
Kaya marahil na kahit marami ng bayani ang ng alay ng buhay para sa ating kalayaan ay masasabi ko hindi pa rin tayo lubos na malaya sapagkat kung titingnan mo ang iyong paligid ay andun pa rin ang masasabi kung kolonyal na pag-iisip at hindi iniisip ang kapakanan ng inang bayan.
Marahil kaya patuloy pa rin ang Gantimpala Theater Foundation sa pagsasadula ng nobela ni Rizal sa mga kabataan upang ipakita na hindi dapat at mga dapat gawin para sa bayan lalo na sa panahon ngaun na ang bilis bilis kumalat ng mga balita na hindi mo mawari kung saan nagmula o kung totoo ba ang mga balita na ito.
Ang mga cast Gantimpala Theater Foundation' Noli Me Tangere "Kanser 2017" |
Sa dulang ito ng Gantimpala Theater Foundation na pinakamagatang #Kanser2017 masasabi ko na goodvibes ang bawat galaw at mas nabigyan ng pagkakataon ang mga panonood na intindihin ng husto ang nobela dahil sa ganda ng takbo nito. Sapagkat hinaluan nito ng modernong mananalita kung baga hindi nakahon ang mga salita noong panahon ng mga Kastila. Isa pa sa mga nakakatuwa ay pagbibigay ng importansya sa bawat eksena na kailangan intindihin ng mga kabataan ngaun.
Isa sa mga gusto kung yugto sa kwento na ito ay ang pagsangguni o paghingi nag payo ni Crisóstomo Ibarra kay Pilosopo Tasyo.
Isa sa linya na binitawan ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra ay "ang isang rosas na sa dami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali."
Matalinghaga pero kung tutusuin simple lang naman ang gusto ipahiwatig na iyon pero syempre iiwanan ko na sa iyo kung anu sa tingin mo ito.
Kagaya ng nasabi ko ng una bawat dula ng Gantimpala Theater Foundation' Noli Me Tangere ay nag-iiba ng ataka at masasabi ko gusto ko ung pagdirek ni Direk Frannie Zamora sa dula na ito sapagkat kagaya ng naunang pahayag ko nakikijive dito sa bagong henerasyon ng kabataan at isa sa mas nag pajive ay ang ilaw ng entablado. Aminin man natin ito masasabi kung ang ganda ng ilaw mula sa simula hanggang sa katapusan kita naman sa mga larawan na nakapost hindi ba?
Ang pagkalimbang ng kampana |
Ang panggahasa kay Sisa ng dalawang kura |
Syempre ung magaling ang support actors paano pa kaya ang mga bida na sina Joel Molina bilang Ibarra at Dea Formacil Chua bilang Maria Clara.
Ang pagpasok ni Maria Clara sa kumbento |
Aaamin ko ito ang unang pagkakataon ko na pananood si Joel Molina sa entablado at masasabi ko na magaling siya at isa sa mga paborito kung yugto Gantimpala Theater Foundation' Noli Me Tangere ay "Ang Piging" kung saan nagkakasiyahan na ang lahat at bigla na lamang nagkagulo dahil sa pagsalita ng Padre Damaso na ginagampanan naman ni Francis Matheu.
Ang piging |
Over-all masasabi ko na iba pa rin ang nobela ni Rizal sapagkat andun lahat ng elemento na kailangan ng isang tao at ng bansa.
Marahil kaya ito naging isang kanser dahil ang bawat isa sa atin ay isang kanser ng lipunan aminin man natin o hindi sapagkat sa simple bagay lamang ay nakakagawa na tayo ng isang pagkakamali pero mas pinipili pa rin nating maging masaya kahit alam naman natin na hindi naman dapat.
Kung minsan meron ka na nga gusto mo pa ng mas marami pang bagay, ika nga nila wag kang maghangad ng madami kung alam mo naman sa sarili mo na sapat na kung anung meron ka.
Muli maraming salamat sa Gantimpala Theater Foundation sa patuloy na pagsasabuhay ng isang magandang kwento ni Rizal nawa'y hindi kayo magsawa na pagkwento at maging bahagi ng buhay sa susunod na henerasyon.
Comments
Post a Comment