Weekend Getaway : Pasay City, A Travel City
Sabi nga nila isa ang Pasay City na masarap balikan na lungsod sa kamaynilaan dahil sa dami ng mga lugar na hindi mo mawari kung anu nga ba meron dito. Ngunit kung isang turista sigurado akong magugustuhan mo ang lungsod ng Pasay dahil sa ibang taglay nito sa ibang lungsod. Marami lugar sa lungsod ng Pasay ang masarap pumuntahan at sigurado akong babalikan mo din sa oras na napuntahan mo na ang lugar na ito.
Bilang isang simpleng photographer at isang manunulat isa ang Pasay na madalas dayuhin pagdating ng buwan ng Marso hanggang Hunyo sapagkat dito na ang sisimula ang mga kakaibang pista na meron ang Pasay mula sa Aliwan Festival kung saan dito mo makikita ang iba't ibang mga festival sa buong Pilipinas na magsasama-sama sa iisang araw at nakakasigurado akong maraming mga photographer na pupunta sa lugar na iyon. Isa rin sa mga masasabi kung dinadayo at isang rin tradisyon sa lungsod ng Pasay ang "Malibay Cenakulo" kung saan sinasabuhay o isang theatrical na palabas tuwing semana santa na pinalabas sa Malibay na talaga nakakahanga sapagkat hanggang sa ngaun ay buhay na buhay pa rin ito. Sa mga hindi na kakaalam ang "Malibay Cenakulo" ay nag-umpisa noong pahanon pa ng mga Kastila kung saan dito ipinapakita kung anu ang nangyari kay Kristo sa kanyang mga huling sandali.
Galleries in the Pasay City Hall |
Kung hindi ninyo natatanung isa ang lungsod ng Pasay na masasabi noon na lupaan ng mga elista o ng mga mamayan na tao o kilalang tao sa lipunan sapagkat ang Pasay ay nakaharap lamang sa Manila bay kung saan noon ang mga mayayaman lamang ang may karapat o makakapagpatayo nito.
At hindi rin sa lungsod ng Pasay makikita ang isa sa pinakamalaking base o tirahan o embahada ng Amerikano at dito rin sa Pasay unang tinayo ang sikat na Marco Polo na nasira noong panahon ng gyera kung saan nalipat na ito sa Makati.
Mina Gabor and Malu Veloso together with organizer of Travel in Time Ms. Len Felizardo |
Hindi nga ako nagkamali sa pagtapak ko pa lamang sa loob ng munisipyo ay nakita ko na ang iba't-ibang mga larawan ng mga pamana ng Pasay at ang mga iniwang bakas ng kahapon.
Masasabi ko na magaling ang nag-isip ng ganitong istoli sapagkat para kang naglalakbay talaga sa sinaunang pahanon at mabubusog ka pa sa mga impormasyon na itong makikita.
Makikita din sa dito ang ilan sa mga pagbabagong naganap sa lungsod ng Pasay kung saan anu nga ba ang nakatayo noon sa lugar na ito bago siya naging kilalang mall ng bansa.
Narito ang ilan sa mga maari ninyong makita sa walking museum ng Pasay City Hall.
The Cultural Center of the Philippines Complex Gallery |
One of the Old Mansion in Pasay City now a its a Mall |
One of the old Mansion near the Manila Bay Area |
Natatawa lang na ang bawat gallery area na napuntaha ko ay talagang nabusog ako sa kasaysayan ng Pasay marahil kung titignan mong mabuti masarap naman maggala sa lungsod na ito kung nasa ayos lamang ang bawat lugar. Bilang isang researcher at photographer masasabi ko na pwede itong maging isnag photography hub kung hindi lang nakakatakot sa mga ang ilang lugar.
At the end of the day Pasay City show us that it is not just a Travel City its also a place to discover something new in the history and rediscover something new on the place.
Comments
Post a Comment