|
Noli Me Tangere' The Opera |
Isa ang Noli Me Tangere sa mga gustong-gusto kung gawa niya sapagkat totoong sumasalamin ito ng buhay ng isang tao mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi ko nga mawari kung papaano na isip ni Jose Rizal ang ganung kahusay na kwento. Dahil sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay makikita mo ngayong panahon.
Kaya naman marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit kailangan pag-aralan nito ng mga mag-aaral pero kung titignan mo naman mabuti ito ay hindi naman nila dinadamdam ang mga bawat pahina ng aklat kaya marahil nagkaroon ito ng isang dula mula sa iba't-ibang mga produksyon sa etablado.
Isa ang Noli Me Tangere, The Opera sa masasabi kung kakaiba ngunit may dama. Marahil dahil ito ang atake na ibibigay ng isang Opera at mas mararamdaman mo ang bawat kwento nito sa pamamagitan ng bawat tinig na nagmumula sa isang mang-aawit.
|
J&S Productions, Inc : Jerry Sibal and Edwin Josue |
Nitong nakaraan lamang ay nabigyan ako ng pagkakataon para masilip kung anu nga ba ang kakalabasan ng Noli Me Tangere, The Opera kung saan ang produksyon nito ay sina Cultural Center of the Philippines at J&S Productions, Inc. nakakapanabig ang mga tinig nila lalong lalo na yugto ni Maria Clara doon pa lamang sa eksena at awit na iyon ay madadama mo na kung gaano nga ba naghirap si Maria Clara at ang kanyang mga hinagpis.
|
The Four Maria Claras |
Bago ko makalimutan ang Noli Me Tangere, The Opera ay nagdiriwang ng kanyang 60th anniversary sa taong ito at sa mga hindi nakakaalam ang Noli Me Tangere, The Opera ay isinulat ng isang mahusay at National Artist for Music Felipe de Leon at sa libretto ni National Artist for Sculpture Guillermo Tolentino kaya naman hindi na ako magtataka pa kung balik muli itong binalik ng J&S Productions, Inc upang mas lalo taong imulat kung anu nga ba ang "Noli Me Tangere".
|
The cast, staff, the production of Noli Me Tangere' The Opera |
Kaya naman huwag na huwag mong papalagpasin ang isang kwento at musika na magsasabi sa iyo na ito ang kwento mo mula noon hanggang sa hinaharap.
Mapapanood ang Noli Me Tangere, The Opera sa darating na January 28-29, 2017 at February 1-3, 2017 sa Tanghalang Nicanor Abelardo, CCP Main Theater, Pasay City.
Mabibili ang ticket sa ticketworld.com.ph or call J&S Productions Inc. at 0926-038-0548 or the CCP Box Office 02-832-3704.
Comments
Post a Comment