Start the 2017 with awesome stage play musical "Sa Wakas"

The cast of "Sa Wakas"
Sino nga ba ang makakalimot sa ‘Sa Wakas,’ kung saan tampok ang mga sikat at mga makadamdaming mga awitin mula sa OPM band na Sugarfree, mula sa mga awiting Mariposa, Hari ng Sablay, at Kwarto.

Isa sa mga masasabing dahilan kung bakit nga ba ito nag hit noong unang stage run nito noon sa PETA Theater 2013 imagine ang tagal bago sila magkaroon ng isang rerun na akala pa ng mga tao ay masusundaan kaagad ito sa sumunod na taon dahil nga ang blockbuster nito. Sino ba naman hindi manood ng ganitong kagandang palabas kung ang bawat eksena at sasamahan pa ng isang magandang areglo ni Ejay Yatco ay makakarelate ka ng husto. Ika nga nila sa bawat indak ng musika makikita mo ang iyong sarili dito. Kung nauso siguro ang hugot line noong taon na iyon marahil mas dodoble pa ito ng husto.

Vic Robinson as Topper and Cara Barredo as Lexi
Hindi ko nga lubos maisip kung paano nga ba nagawa ng mahusay na manunulat na sina Andrei Pamintuan at Ina Abuan ang kwento ng "Sa Wakas" sapagkat kung tutuusin ang bigat ng opening scene ng palabas na ito na akala mo ganun-ganun na lamang sya. Maliban pa dito ang ganda ng pagkakatahi-tahi ng mga bawat eksena.

Kaya naman laking papasalamat ko at muli nila itong binalik sa taong ito kung saan mas malaking venue na at mas madadami na ang pupunta. Gaganap ang "Sa Wakas" sa Power Mac Center Spotlight, Makati..

Sa mga hindi nakakaalam kung anu nga ba ang kwento ng "Sa Wakas", isa itong kwento ng umibig, nasaktan, masasakatan at muling iibig kaya naman hindi na ako magtataka pa kung maging blockbuster muli ang "Sa Wakas" sapagkat alam naman natin na ang henerasyon ngayon ang may hugot sa bawat bagay.

Maronne Cruz as Gabbi, Cara Barredo as Lexi and Caisa Borromeo as Lexi
Anu nga ba ang bago sa restage o rerun ng "Sa Wakas" ayun mismo kay Andrei Pamintuan mayroon nawala at may pinalit na dalawang kanta kung saan mas babagay at mas aakma sa millennials, ito ang kantang Wag kang ng umiyak at Kung Ayaw mo na sa akin, kaya naman nakakapanabik na makita ito ng buo at masilayan.

Narito ang ilang sa mga aabangan mga eksena at kanta sa "Sa Wakas"

Bawat Daan

PROM

Magsisimula ang "Sa Wakas" sa darating na Enero 12 hanggang Pebrero 4, 2017 na gaganapin sa Power Mac Center Spotlight, Makati. Ang ticket ay naglalaro sa 700 pesos hanggang 1,500 pesos.

So paano kita-kits tayo ha at damihin natin ang bawat indak at sarap ng musika ng "Sa Wakas".

Comments

Popular Posts