Weekend Getaway : Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa
Sabi nga nila isa sa mga masarap gawin pagkatapos ng isang mahaba, nakakaenjoy o minsan naman ay nakakstress na holiday ay itreat mo naman ang iyong sarili upang may maenjoy mo ang taong 2017.
Isa ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa na magandang puntahang ngayong 2017 sapagkat maeenjoy mo ang iyong sarili. Noong unang kita ko pa Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa akala ko isang ordinaryong spa na sa mga kilalang street sa Quenzon City, aba iba pa sya kumbaga sa isang restaurant ay hole in the wall siya sapagkat nasa isang apartment lamang ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa pero huwag ninyo basta maliit ang lugar na ito sapagkat pagpasok mo pa lamang sa loob ay marerelaks ka na sa aroma na taglay ng spa na ito. Marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit ilan sa mga guest nila ang pumabalik-balik dahil sa aromang taglay ng Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa.
Nakakatuwa lamang noong pumasok kami sa Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa ay agad na sumalubong sa amin ang masayahin at makwentong may-ari na ito na si Drew and Sheryl So na anino'y matagal na kaibigan mo na hindi nagkita dahil sa sarap ng mga kwentuhan namin, naitanong ko din sa kanilan kung anu nga ba ang kwento sa likod ng Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa, ayon mismo kay Sheryl nagmula ang pangalan na iyon sa bible name na Ezekiel na ang ibig sabihin nito ay God will strengthen or strong kung saan nababagay naman ito sapagkat pagpasok pa lang dito ramdam mo na magiging ok ka sa kanila. Liban pa dito ay si Ms. Sheryl din ay magaling magmasahe dahil sa aking lambot at galing nito kaya naman ikumbinse siya ng kanyang mga kaibigan na bakit hindi nya subukan magbukas ng isang spa ganung bagay na naman ito sa kanila at iilan lamang ang may spa sa kanilang paligid noon.
Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Spa Area |
Dahil andito na rin lamang ako sa spa area nila ay sinubukan ko na ang isa sa mga service na meron sila ang foot spa na talagang naman aliw ako sapagkat ang dami pala nitong proseso na kailangan gawin na talaga naman masasabi ko na mahusay at magaling ang mga staff na meron sila, Isa sa mga naaliw ako dito ay ang magic foot spa na kung saan anino'y para lang nasa isang buhangin dahil sa isang sangkap na nilagay nila habang paa mo ito.
Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Foot Spa Treatment |
Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Family Room |
Pagkatapos ng isang masarap na massage ay bumaba na ako at nakipagkwentuhan pa kay Sheryl patungkol sa kanyang spam syempre habang nakikipagkwentuhan ako ay binigyan nila kami ng isang masarap na pagkain kung saan good for the body sapagkat isa itong cleaning food na talaga nagustuhan ko lalo't pa masarap ito. Walang iba kundi ang Ashiitaba Salad at EZE Cleanser and EZE Barley juice
Ashiitaba Salad at EZE Cleanser |
Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa | Pain Relief Rub |
Para sa kaalamanan ng lahat ang Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa ay patatagpuan sa #53 Unit 4 14St. New Manila, Quezon City, Philippines o hindi naman kaya ay tumawag lamang kayo sa kanilang opisyal na numero na 0917 505 4939 o maari din bisitahin ang kanilang opisyal na facebook account https://www.facebook.com/ezekielstouch.
So paano hanggang dito na lamang ako, kita-kits tayo sa Ezekiel's Touch Health & Wellness Spa malay mo pagbalik ko andun ka at ilibre pa kita ng isang session ng massage.
Comments
Post a Comment