Vince Tanada : Naniniwala talaga ako na Art can't never be for sale


Sabi nga ni Atty. Vince Tanada : Naniniwala talaga ako na Art can't never be for sale, napaisip ako bigla sa bagay na ito sa tagal ko na sa mundo ng teatro at sining, oo nga naman anu may mga bagay talaga sa mundo na hindi mo kailan pang ibenta na mas mainam na ibahagi mo ito sa iba at maging inspirasyon nila ito.

Alam naman nating lahat na sa ang buhay teatro ay mahirap sapagkat sa salapi pa lamang ay wala na talo ka na dahil magkano nga lang ba ang makukuha mo sa isang produksyon sa teatro minsan pa nga abunado ka ba sa mga iilang bagay o ang mas nakakalungkot sa bagay na ito hindi kumita ang produksyon kung saan ka nabibilang hindi ba?

Ang Sako
Nitong nakaraang sabado lamang naimbitahan ang inyong lingkod upang dumalo sa isang summer workshop ng isang kilala at patuloy na kinikilala na produksyon ang Philippines Stagers Foundation (PSF) kung saan mayroon silang taunang PSF Annual Theatre Fest kung saan tinatampok ang ilan sa mga gawa o likha ng mga nagworkshop sa PSF. Nakakaaliw lamang sapagkat hindi lamang ang mga workshoppers ang nakikisaya at nakikigulo sa PSF Annual Theatre Fest kundi kasama na rin mismo ang mga Stagers (tawag sa mga aktor ng PSF).

Puppy Love
Ang PSF Annual Theatre Fest ang nagsimula tatlong taon na ang nakakaraang kung saan ang hangarin nito ay mabigyan ng pagkakataon ang mga magagaling at may talentong mga bata o tao na mahasa ng husto ngunit subalit ay kulang ang kanilang salapi para makasama ang mga acting summer workshop sa teatro dahil dito naisip ng Artistic Director na si Atty. Vince Tanada na magkaroon ng free summer workshop kung saan hindi lamang pag-arte ang inyong matututunan sapagkat binabahagi din ni Atty. Vince Tanada ang iba't-ibang aspesto sa teatro mula sa simpleng pagtulong sa likod ng produksyon hanggang sa harap ng entablo. Doon pa lamang makikita mo na kung paano pinapahalagaan ng Philippines Stagers Foundation ang mga sumasali sa kanilang summer workshop kaya naman noong nabigyan ako ng pagkakataon para makapanayam si Atty. Vince Tanada ay talaga naman nakakatuwa at nakakaimspire.

Narito ang aming ekslusibong panayam kay Atty. Vince Tanada ng Philippines Stagers Foundation patungkol sa mundo ng teatro at sa mga magaganap pang mga produksyon ng Philippines Stagers Foundation.


Para sa iba pang mga impormasyon patungkol sa Philippines Stagers Foundation maari lamang kayong tumungo sa kanilang opisyal na facebook Philippines Stagers Foundation

So paano kita-kits tayo sa susunod na PSF Annual Theatre Fest na gaganapin sa darating na  May 8 Sunday 2pm (4 in 1 plays: Kutitap, Babasagin, Walang Wakas and Dilaw o Pula) at May 14 (Palanca 1st Place: Ang Bangkay).

Para sa iba pang mga larawan ng PSF Annual Theatre Fest tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.

Comments

Popular Posts