Blogapalooza is now twice the fun


Isa sa mga inaabangan na social media summit kada taon ay ang Blogapalooza kung saan nagtitipon-tipon ang ilan sa mga magagaling at mahuhusay na bloggers para makiisa sa masayang araw na iyon maliban pa dito ang Blogapalooza ay isa din venue kung saan makikita o makikilala rin ng mga blogger ang mga brands o product na maari nilang makacollaborate sa kanilang blog.

Blogapalooza Registration 
Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit kapanapanabik ang Blogapalooza para sa lahat sapagkat hindi lamang ito para sa matagal na sa mundo ng blogging kundi para sa lahat ito. Kaya naman ngayon taon ang naging tema ng Blogapalooza 2016 ay Horizons : Charting the Uncharted kung saan mas nagbigay sila ng tuon sa mga social media ethics, blogging in business and how to reach the brands. Ilan sa mga naging guest nila sa Blogapalooza 2016 ay sina Blogging as a business ni Ginger Arboleda ng Manila Workshop, Content Strategy and Building a solid follower base ni Llyod Caldena, How brands can work best influencers, Strategic Bloggers Relations ni Grace Nicolas ng TAG Media at Videos as Effective Marketing Tools ni Miguel Olfindo ng New Manila Factory.

Grace Nicolas of TAG Media in Strategic Bloggers Relations

Dyan pa lamang sa mga speakers na iyan ay sulit na sulit na ang pagpunta mo lalo't pa alam naman natin lahat na hindi basta-basta ang mga speakers na nagbigay ng payo at nagshare ng mga tips sa mga baguhang blogista.

Maliban pa sa mga speakers meron din syempre mga brand na andun kung saan nakapalibot sa loob mismo ng venue tsaka ito rin ang iyong pagkakataon upang makilala mo kung sino ang humahawak ng brand o makipagpalitan ng kuro-kuro kung paano sila o ikaw makakatulong sa kanilang marketing.

Narito ang ilan sa mga brands na nagbigay saya sa araw ng Blogapalooza 2016.





Rappler, Arla Philippines, Regroe, Victoria Court, SpeedycardsPH, Blue Water Day Spa, World Vision, Cocio, Vita Coco, Hotteo King, Megawatts, Chemworld Fragrance Factory, SkinStation and Gold Stack

Syempre dahil andito na rin kami kinausap na rin namin ang isa sa mga organizer ng Blogapalooza na walang iba kundi si Vince Golango kung anu nga ba meron, bago at exciting sa Blogapalooza.

Ayun kay Vince Golango mas exciting daw ang Blogapalooza ngayon sapagkat magiging dalawang beses na ito sa isang taon dahil para mas maraming mga brands and bloggers ang makapunta sa Blogapalooza event.

Narito ang buong detalye tungkol sa exciting na Blogapalooza.


Muli congrats sa bumuo ng Blogapalooza lalong lalo na kina Ace Gapuz, Vince Golango, and Francis Simisim sa mahusay at patuloy na pagsagawa ng ganitong klaseng blog summit.

So paano kita-kits tayo sa susunod na Blogapalooza ngayon taon!

Pumunta lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse para makita ang iba pang larawan na naganap sa Blogapalooza 2016.

Comments

  1. At first, I thought Blogapalooza was going smaller and a bit less popular. But heck I was wrong when I get there. It may be smaller in terms of venue, stalls may have been lesser than the previous, but the substance were still there—I think it focused more on talks and everything entertaining in between.

    That being said, props to the organizers.

    ReplyDelete
  2. so ito ang na-miss ko... pero good thing 2 beses na pala ito kada taon. Mabuhay!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts