Mangan Ta Na : SIAM Noodle House

Gaya nga ng nasabi ko may natuklasan akong isang lugar na hindi ko akalain na may masarap at masayang tambayan lalo na kung mapapadpad ka sa lugar na iyon kahit sabihin na natin kilala ang lugar na iyong ng mga elista ngunit kung titignan mo naman parang wala lang ordinaryong lugar lamamg.
At ang natuklasan ko ay may isang masarap na kainan pala sa Resident Ave near Aguiree akalain mo yun maliban sa sikat na mga establisment katulad ng Starbucks, Contis at iba pa meron palang isang lugar doon kung saan masarap kumain ng noodles na kakaiba. Meron palang ganun klaseng timpla ng noodles na hindi ordinaryo. Ang aking tinutukoy ay walang iba kung di ang SIAM Noodle House.
Tara samahan mo ko tignan at namnamin ang sikreto na meron ang SIAM Noodle House.
Noong una kung nakita ang SIAM Noodle House akala ko isang ordinaryong lugar at pagkain lamang sila sapagkat ang pwesto nila ay kahilera lamang ng mga ordinaryong fast food chain o restaurant pero noong papasok na ako sa kanilang lugar aba'y akalain mo yun ang SIAM Noodle House ay isang pala Asian Adventure ang peg dahil sa ganda ng lugar na anino'y hinahalina ka niti na tumuloy at tikman ang kanilang putahe.
Narito ang interior ng SIAM Noodle House.
Yung interior pa lamang ng SIAM Noodle House panalo na sapagkat simple, ilegante, klasik at higit sa lahata ramdam mo na hindi ito isang fast food chain lamang o isang mumurahing restaurant sa ganda at kaayaayang interior na ito.
Syempre hindi naman ang interior ng SIAM Noodle House ang ating pinunta dito kundi ang pagkain dito magkakasubukan kung masarap nga ba ang kanilang noodle at anu ang pinagkaiba nila sa isang noodle house.
Tara samahan mo ako bigyan ng kaunting kilatis patungkol dito.
Appetizer
![]() |
Poh Pia Tod (Crispy Thai Spring Rolls with Chili Sauce) Php 165.00 |
![]() |
Pla Muk Tod (Squid Rings with 2 dips) Php 220.00 |
Ang Thai version nila ng fried calamaris ang gusto ko dito hindi bubble gum pagkinakain mo kaya maeenjoy mo bawat kagat at lasa nito.
![]() |
Tod Man Pla Php 190.00 |
At ito na nga dahil andito nga ako sa noodle house ng SIAM Noodle House anu pa nga ba ang dapat gawin kundi tikman ang kanilang mga noodles na binebenta. Tara samahan mo akung tikman kung gaano nga ba kasarap ito.
Noodle Soup
![]() |
Kuaitiao Moo (Crispy Pork Noodle Soup) Php 160.00. |
Its yummy at good swak ito sa mga kids dahil sa lasa na hindi masyadong maalat or pwede rin sa mga matatanda na kasi alam naman natin na madami ng bawal sa kanila.
![]() |
Tom Yum Php 160.00 |
![]() |
Kuaitiao Neua (Signature Beef) Php 160.00 |
![]() |
Kuaitiao Krok Kapi (Shrimp Paste Surprise) Php 160.00 |
![]() |
Pad Gaprow Talay (Seafood in Basil) Php 250.00 |
Ito na ang finale ng noodle na natikman ko sa SIAM Noodles House.....
![]() |
Glass Noodle Salad Php 150.00 |
Oh di ba? Akalain mo yun ang dami nilang offer na noodle na kakaiba ngunit may sipa at swak sa bulsa kung tutuusin sulit na sulit ang bawat perang ilalabas mo dahil maliban sa intimate place ang SIAM Noodle House ay pwede mo pang dalhin ang iyong kasintahan sa lugar na ito dahil mura ang kanilang noodle at kahit ilan pa ang gustong orderin pwedeng-pwede at sosyalin pa ang dating, so saan ka ba? Hindi ba? Kaya next time alam mo na kung saan lalong-lalo na kung ikaw ay tiga south!
So paano hanggang dito na lang muna ako sa aking munting food trip haggang sa susunod na kainan ulit!
Narito ang saktong lugar ng SIAM Noodle House : 63 Presidents Avenue Corner Aguirre Street, BF Homes, Parañaque City
Comments
Post a Comment