The 13th World Wide Instameet - Cavinti Laguna

The 13 WWIM Instagrammers Participats

Sabi nga nila minsan kailan mo din lumabas sa lungga mo para makaranasan mo ang saya na meron sa labas at hindi lamang umiikot sa paligid mo.

Kaya naman noong naimbitahan akong dumalo sa isang pagtitipon ng mga instagrammer ay kaagad akong umuoo sa nasabing alok hindi dahil kakilala mo ang nag-imbita kundi alam ko sa sarili ko na marami pa akong madidiskumbre na bagay sa akin at sa aking kakayanan.

Ito ang aking ikalawang pangkakataon na dumalo sa isang World Wide Instameet kung saan magtitipon nga ang mga magagaling at mahuhusay na photographers at instagrammer sa bansa liban pa dito ito din ang aking pagkakataon para makilala ko din ng husto kung sino nga ba sila sa likod ng kanilang mga pangalan sa mundo ng instagram.

Masayang kwentuhan at tawanan na walang humpay

Kakaiba ang World Wide Instameet ngayon taon na ito sapagkat napansin ko na hindi na sa sentrong lungsod ito ginagap kundi sa ibang lugar kung saan malayo sa ingay at gulo sa kamaynilaan. Tama nga naan ito sapagkat ang temang binigay mismo ng instagram ay #LifeOnEarthWWIM13 kung saan dapat mong alagad ang Inay Kalikasan sapagkat alam naman natin na unti-unti na nawawala ang tunay na kahalagaan nito lalong-lalo na sa panahon ngayun kung saan nagsosulputan ang mga makabagong teknolohiya at kasama na dito ang pagkasira na rin ng kabundukan.

Alagaan mo ang kalikasan at aalagan ka rin ng kalikasan.
(c) John Alfred Danao
Isa sa mga hangarin ng #LifeOnEarthWWIM13 ay ipakita sa mundo na ang mga instagrammers ay hindi lamang patungkol sa mundo ng teknolohiya o iba pang katulad nito na marunong din magpahalaga sa kalikasan.

Natuwa nga ako ng malaman ko kung anu-anu ang mga magiging gawain namin sa araw na ito sapagkat kakaiba nga siya sa mga nakasanayan ng ilan na instameet na may photowalk, photoshoot at kaunting kwetuhan. Dito sa World Wide Instameet - Cavinti Laguna pinakita na basta may hangarin ka na maganda para sa kapwa at sa kalikasan ay magagawa mo ang lahat ng nais mo sapagkat alam mo na ang mga kasama mo dito ay marunong din pagpahalaga hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa kapwa nito.

Isa sa mga aktibidades na ginawa namin ay ang seed planning bilang makiki-isa sa World Earth Day ng araw na ito, isa yun sa importanteng araw para sa Inang Kalikasan sapagkat alam naman natin na bawat oras ay 3 o higit pang mga puno ang nawawala sa bundok o maging sa kapatagan dahil sa walang habang na pagputol nito na hindi man lamang palitan.

Cavinti Falls formerly knows as Pagsanjan Falls
Syempre pagkatapos ng isang masayang seed planning ito ang pinakahihintay ng lahat ang pagtuklas sa Cavinti, Laguna. Anu nga bang perong hiwaga ang Cavinti ngayon dahil base sa datos na nakuha ko ay unting-unti na nakikilala ang Cavinti, Laguna ng madla. Isa siguro sa nagpapaakit sa mga madla ay ang Cavinti Falls o mas kilala noon bilang Pagsanjan Falls. Bakit nagkaganun naging Cavinti Falls ang Pagsanjan Falls sapagkat ang totoo nito nasa loob naman talaga ng Cavinti ang talon na ito at hindi sa Pagsanjan marahil kaya ito natawag na Pagsanjan Falls sapagkat iilan metro lamang ay lalo nito mismo sa pook ng Pagsanjan ngunit kung titignan mo ang mapa ng Laguna pasok na pasok ang talon na ito sa loob mismo ng Cavinti.

Kaya naman noong nakita mo ang Cavinti Falls ay laking tuwa ko ng husto sapagkat dati-rati ay nababasa ko lamang siya sa aklat ng Sibika at Kultura ngunit noong araw na iyon ay nakita ko na at hindi lamang basta nakita naramdaman ko ang talon mismo sa aking katawan noong pinasok namin ang loob ng talon.


Kaya naman masasabi kung kakaiba talaga ang instameet na ito sa akin sapagkat para na din ako ng lakbay-aral at hindi pa dito ay nakasama ko ang mga kilalang tao mula sa likod ng kanilang pangalan sa Instagram.

So paano hanggang dito na lamang ang aking munting kwento, huwag kayong mag-aalala sa susunod ikwekwento ko kung anu nga ba ang mga naganap sa likod ng "The 13th World Wide Instameet - Cavinti Laguna" na ito.

Hanggang sa muli sana makasama ka o namin ikaw sa susunod na World Wide Instameet.

Comments

Popular Posts