When Zombies attack the Walled City: Intramuros

Isa sa mga pinakaaabang na Outbreak Mission ko ay ang Outbreak Manila sa may Walled City:Intramuros, di dahil isa akong runner kungdi gusto kung malaman kung paanong konsepto nila gagawin ang pagtakbo sa palibot ng Walled City at hindi nga ako nagkamali sapagakat mas exciting ito kumpara sa nakaraang Outbreak Mission na ginawa nila sa loob mismo ng Festival Mall.
Isa sa mga naging beneficiary ng Outbreak Manila ay ang Heritage Conservation Society kung saan isa rin ako sa mga aktibong membro nito.

Anu nga ba ang Heritage Conservation Society?

Ang Heritage Conservation Society ay isang non-goverment organization kung saan binigbigyan ng halaga ang ilan sa mga importanteng mga gusali o lugar na naging malaking parte sa ating kultura at di lamang yun isinusulong din nito ang pag re-use o pag-adapt ng contemporary design ng luma at bago.

Karanasan sa Outbreak Mission

Masaya,makulit at higit sa lahat challenging ilan lang yan sa masasabi pagkatapos kung tumakbo at makipaghabulan sa mga nakakatakot at pamatay na trick ng mga brotherhood at ng mga civil. Oo hindi ako tumakbo o sumali bilang isang runner sa event na ito kungdi bilang media pero naman, walastic sapagkat nakipagsabayan din ako ng adrenaline sa mga runnners, ikaw ba naman kumukuha habang tumakbo rin di ba? Ang kulit lang makita ng mga reaksyon ng mga runners pagnakakasalubong na nila ang mga zombie sapagkat di mo alam kung aatake ba ang mga ito o hindi lalong-lalo na sa parte ng isang balwarte na ang daming zombie hahaha.
May isang grupo akong sinamahan sa pagtakbo sa wave one walang iba kungdi ang mga grupo ng mga Amerikano, nakakanosebleed sila actually di dahil kinakausap ka ngunit dahil kinakausap mo sila habang tumatakbo kayo at masasabi kung mautak din ang mga ito lalo-lalong sa parte kung saan sila maniniwala sa brotherhood o sa mga civil pero nakakalungkot lamang sapagkat di ko na sila nasabayan sa magtakbo sapagkat na una na kami ng kasama kung HCS para makunan ang iba pang mga lugar at mga magagandang location.

All in all masasabi kung naging successful naman ang Outbreak Mission sa Intramuros bagamat may mga nasugatan o nasakatan na hindi naman maiiwasan lalo’t pa ang ilan sa mga bahagi ng walled city na hindi pantay ay naging masaya naman ito lalo na kung isa ka sa mga survivor ng Outbreak Mission.

Muli congrats sa bumubuo ng Outbreak Mission sa masayang takbo na ito hanggang sa susunod na Outbreak Mission!

Sana sa susunod na Outbreak Mission ay makita kita bilang isang runner kaibigan!

Para sa iba pang mga larawan pumunta lamang sa official fanpage ng AXLPPI sa facebook.

Comments

Post a Comment

Popular Posts