Visita Iglesia Around Manila Area

Isa sa mga naging tradisyon na ng mga katolikong tuwing semana santa ang ang pagpunta sa iba't-ibang mga simbahan o mas kilala bilang VisitaIglesia, ginagawa ang Visita Iglesia tuwing Maundy Thursday

Narito ang ilan sa mga akin listahan na pude ninyong puntahan sa darating na Lenten Season.

Magsimula tayo sa loob mismo ng Binondo, kung saan makikita ang isa sa mga sikat at masasabi natin na naging malaking impluwensya ang simbahan na ito sa kumonidad ng mga Tsino.

Binondo Church
Ang Minor Basilica of St. Lorenzo Ruiz o mas kilala sa tawag na Binondo Church.

Para sa ibang detalye sa Binondo Church maari lamang pumunta sa http://axlppi.blogspot.com/2012/03/powerhouse-journey-binondo-church.html

Syempre pagkatapos mo diyan didiretso ka na palabas ng Binondo kung saan ang punta mo ay sa Sta.Cruz District at sa Sta.Cruz District makikita mo ang isa sa mga luma at masasabi naging malaking parte ng Maynila sapagkat noong panahon ng mga pananakop ng mga Britanya ay maraming naganap mismo sa lugar na iyon. Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ang Santa Cruz Church.

Oh before i forgot sa mga di nakakaalam ang simbahan ng Santa Cruz ay matatagpuan sa Plaza Lacson (dating Plaza Goite), sa harap nito ang isa sa mga sikat fountain ang Carriedo Water Fountain at sa silid naman nito ang  Greco-Roman styled Roman Santos Building.

Para iba pang detalye sa Santa Cruz Church pumunta lamang sa 

Nasa Plaza Lacson ka na rin lamang dumaan ka na ng Quiapo kung saan makikita ang tahanan ng sikat na rebulto ni Item Nazareno.


Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala ng nakakarami na Simbahan ng Quiapo, para iba pang detalye sa simbahan pumunta lamang sa http://axlppi.blogspot.com/2012/04/powerhouse-journey-quiapo-church.html

Syempre ilang metro na lamang ang layo nito mula sa simbahan ng Quiapo, ang Basilica Minore de San Sebastián o mas kilala bilang Sebastian Church, masasabi kung isa ito sa kakaibang simbahan sa Metro Manila sapagkat ang buong simbahan ay gawa sa bakal kung ikaw ay mapupunta dito makikita mo ang ilan sa mga detalye ng bawat bakal at di lamang yun sa pader mismo makikita mo ang ilan sa mga larawan ng mga santo at santa.


Para sa iba pang detalye sa simbahan ng San Sebastian pumunta lamang sa http://axlppi.blogspot.com/2012/04/powerhouse-journey-basilica-minore-de.html

Pagkatapos mo nag-aalay ng panalangin syempre next destinasyon na kung kaya pa naman ng katawan mo ang isang medyo mahabang lakaran maari ka ng dumiretso sa Walled City , Intramuros kung saan noong panahon ng Kastila ay di mo mabilang ang simbahan at madali ka lamang makakapag Visita Iglesia ngunit dahil nga nagkaroon ng digmaan ay iilan na lamang ang natira dito.

Isa sa mga orihinal na natira o masasabi nating nakaligtas sa ikalawang digmaan pandaigdig ay ang Simbahan ng San Agustin.


Ang simbahan ng San Agustin ay maituturing na isa sa maganda at madami kang makikitang mga detalye ng narakaan, alam ninyo na na dito nakalagak ang labi ng isa sa mga dahilan kung bakit kahit paano ay naging progreseso ang Pilipinas at nakilala ito, walang iba kung di si Miguel Lopez de Legazpi.

Isa rin pala ang simbahan na ito na nabibilang sa World Heritage Site ng UNESCO under the collective title na " Baroque Churches of the Philippines".

Para sa iba pang detalye tungkol sa simbahan na ito maaari lamang pumunta sa http://axlppi.blogspot.com/2011/04/photowalk-intramuros-part2.html



Ang susunod na destinasyon ay ang Manila Metropolitan Cathedral-Basilica o mas kilala ng tao na Manila Catheral masasabi na isa ito sa maraming pinagdaan na renovation sa kasaysayan ng Pilipinas at isa rin ito sa tahanan ng mga archishop ng Maynila.

Para sa iba pang detalye tungkol sa simbahan na ito maaari lamang pumunta sa http://axlppi.blogspot.com/2012/07/gothic-inspired-statues-in-front-of.html

So paano hanggang dito na lamang ang aking munting visita iglesia, i hope nabigyan ko kayo kahit paano kung saan pude pumunta sa mahal na araw.

Comments

  1. Isang beses pa lang ako nakapag visita iglesia at karamihan sa nabanggit na simbahan dito ang pinuntahan ko. Pinakapaborito ko ang Manila Cathedral.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts