Arayat Escapade

Sabi nga nila kung gusto makalimutan pansamantala ang iyong mga problema o kaya naman medyo stress ka na sa iyong trabaho o maging sa pag-ibig. bakit di mo muna bigyan ng pagkakataon ang iyong sarili na magpahinga, ika nga nila wag mong pagurin ang iyong sarili dahil di ka si Superman na kayang gawin ang lahat hindi ba?

Kaya sakto ang mahal na araw upang pagnilayan ang mga bagay na nagawa mo sa iyong buhay, hindi lamang upang mag enjoy sa bakasyon kundi nannamin mo ang buhay na meron nga. Ika nga gawin mong makabuluhan ang buhay mo sapagkat darating ang raw na tatanungin ka ng iyong apo kung anu nga ba ang nagawa mo sa nagdaan mga panahon.

Kaya naman noong umuwi ako sa aking probinsya ay sinulit ko ito sapagakat bihira lamang ako makagala sa Arayat, dahil pagpumunta ako dito ay inaalagaan ko ang aking lola, pero dahil maraming mag-aalaga sa kanya ay nabigyan ako ng pagkakataon kaya ayun.

Isa sa mga pinuntahan ko dito ang barrio, matagal na rin ang huling uwi ko sa barrio kung di ako nagkakamali eh mahigit 10 taon o higit pa ang huling uwi ko sa barrio. Kaya naman laging gulat ko ang lagi ng pinagbago ng barrio, hindi mo naakalain na barrio na ito sapagkat iilan na lamang ang natitirang mga bahay na bato dito dahil halos lahat ay sementado na ang mga bahay maging ang kalsada di na lupa kundi aspaldo na, kaya naman di kami nahirapan na puntahan ito.

Narito ang ilan sa mga makikita sa barrio.

 Ang welcoming sign ng Candating kung saan dati ay isang simpleng kahoy lamang ngaun ay maganda pa!!

Pagdating namin dito ay dumaan muna kami ng simbahan upang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang aming natanggap at humingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan.

Syempre dahil mahal na araw yun ay di lamang simpleng misa ang naganap, nariyan ang tradisyon ng simbahan pag mahal na araw ito na dito ang mzga prusisyon at kung anu-anu pa.







Pagkatapos ng isang mahabang lakbayin, syempre anu pa nga ba ang nihihintay ng lahat, ang isang masarap na kainan o pagmalamig sa mainit na panahon.

Ang Kabigting's Halo-halo! Ang Kabigting's Halo-Halo ay itinatag noong 70's kaya naman masasabi kung maganda ang kalidad ng kanilang halo-halo.

Nagsimula ang Kabigting bilang sila lamang na simpleng negosyo ng pamilya pagsummer pero dahil nga sa sarap at unique na lasa nito, kaya naman dahil sa sarap nito nakarating ang Kabigting's Halo-halo sa Maynila at sa katabing lungsod nito.

Meron lamang na 3 sangkap ang Kabigting's Halo-halo,  Corn, Sweetened Beans and Caramel (made with Carabao's Milk and Egg Yolks) kaya naman masasabi kung manyaman talaga ito! Tanggal ang pagod mo sa haba ng byahe!
 The Head and first branch ng Kabigting's Halo-halo

Manyaman neng Kabigting's Halo-halo ne.
Manyaman (man-nya-man) ibigsabihin sa kapampangan ay masarap!

At dahil malapit lang ang kabigting's halo-halo sa amin bahay ay madalas ito ang aming meryenda.

Masasabi kung sulit na sulit ang aking Arayat Escapade. Marahil mauulit-ulit ito sapagkat sa buwan ng Mayo ay muli akong babalik sa Arayat, sana kasama ka na sa aking pagbalik!

Comments

Popular Posts